Blaze's POV
"Mom.." Tawag ko kay mommy, habang nagaayos kusina. Lumingon naman sya saken.
"Oh Blaze?"
Lumapit ako kay mommy. Iniwan ko muna sa taas si Siri, kukuha kase ako ng snack namin.
Naulan parin pala. At malakas parin, pano ko mahahatid neto si Siri?! Aish!
"Anong kailangan mo Blaze?"
"Snack po mom.." Lumingon saken si mommy at ngumite.
"Sige.. Ako nalang ang magdadala sa taas...teka, alas onse na ah...hindi pa ba kayo magpapahinga?" Tanong ni mom.
"Ah, hindi pa. Inaantay kase namin na patilain ang ulan para mahatid ko siya." Tukoy ko kay Siri.
"Pero, anong oras na...at isa pa, ang lakas ng ulan oh. Sigurado akong matagal pa yan bago tumila." Tama si mom.
Hindi nalang ako kumibo.
"Sige na. Akyat ka na isusunod ko nalang to." Sabi nya. Kaya naman umakyat na ako.
Pagakyat ko ay hindi ko naririnig nang ingay. Ano kayang ginagaw nun? Tumuloy nalang ako at naabutan ko si Siri na TULOG?! Anak ng..
Nakayuko sya at natutulog. Nilapitan ko naman sya. Bat ba mukhang anghel to pag tulog?!
Kahit tulog, nakangiti sya ng bahagya.
Tinititigan ko lang sya hanggang sa kumatok si mom. Pinapasok ko naman sya, may dala dala syang tray.
"Oh, tulog na pala si Siri?"
"Opo, mom. Nakatulog sa pagod." Sabi ko at tiningnan ulit ang natutulog na si Siri.
"Anak?" Tawag saken ni mom.
"Mmmm?" Hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Siri. Hindi ko alam, pero ayokong ialis ang tingin sakanya.
"May gusto ka ba kay, Siri?" Gulat akong napalingon kay mommy.
"Mom naman! May girlfriend po ako, at si Apple po yun." Sabi ko kay mommy.
"Pero mahal mo ba talaga yung girlfriend na sinasabi mo?" Tanong nya at nilapag muna ang tray na hawak nya. At nag cross arm sa harap ko.
Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni mommy saken.
"Oo naman po mom! Syempre po, girlfriend ko po yun e.." Sabi ko sakanya at muling tinignan si Siri.
"Di halata...osya, ihatid mo nalang yan sa guessroom..mukhang pagod na pagod oh, wag mo nalang gisingin." Sabi ni mom.
Tumango lang naman ako sakanya at kinuha nya ulit ang tray at lumabas na.
"Napaka maldita mo...pero daig mo pa anghel pag tulog..." Salita ko habang nakatingin sakanya. Napabuntong hininga nalang ako.
Sinimulan ko naman syang bubatin, pa bridal style, buti hindi sya madaling magising...
"Kumakain ka ba?" Napakagaan nya kase..kahit siguro isang kamay ay kaya ko syang buhatin.
Pagdating namin sa guessroom ay dahan-dahan ko syang inilapag sa kama at kinumutan.
"Mmmm.." Gumalaw sya ng onti at umungol. Ang cute nya.
Bago pa man ako lumabas ng kwartong iyon ay...
Napangiti ako?
-------
Siri's POV
Haaaaay! Ang sarap ng tulog ko! Grabe! Unti-unti kong minulat ang mga mata ko..
"Kyaaaah!" Napabalikwas ako ng bangon ng napagtanto ko na hindi ko kama itong tinulugan ko.

BINABASA MO ANG
Just A Memory
AcciónIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...