Chapter 11

55 4 0
                                    

Hello guyszx! So first of all, maraming salamat sa mga nagbabasa neto, kung meron man. Hahahah! Osya, basta ayon thankyou! Ang tagal kong hindi nag update shems. XD. As in sobra!! Right?!

-*-*-*-*-*

Siri's POV

"Pare! Sino kausap mo dan?"

Kinabahan naman ako bigla. Ramdam kong papalapit ang isang lalake sa pwesto ni Blaze. Si blaze naman ay nagtataka lang na nakatingin saaken. Tulungan mo ko...

Blaze...

Dahan-dahan naman akong umiling. Please Blaze....help me.

"A-ano..wala! Sige na maliligo na ako!" Dali-dali naman pumasok si Blaze kung nasaan ako. At binuksan nya ang shower.

Nilapitan nya ako at nakakunot ang noo. "A-anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan itsura mo?" Mahinang bulong nya saaken. Pinunasan ko naman ang luha ko.

"May babaeng nang-iwan saaken dito....hindi ko kilala..sabi nya dito daw muna ako mag shower. Natapunan kase ako ng juice." Kwento ko sakanya. Yakap yakap ko parin ang tuhod ko. At tinatago ang buong katawan ko.

"Sht. Hindi mo ba alam na delikado ka dito?" Medyo inis na sabi nya saken. Napatungo lang naman ako.

Ramdam ko namang tumayo sya.

"Pre! Paabot naman ako ng varsity jacket ko jan!" Sigaw nya mula sa labas. Hindi ko parin inaangat ang ulo ko. Nahihiya kase ako. Ako tong matapang pero, eto ngayon. Nandito sa sitwasyon na to!

"Bakit?"

"Wag nang magtanong pa! Akina!" Sigaw ni Blaze muli.

Pag nakilala ko lang talaga yung babae kanina! Hindi ko talaga sya titigilan! Kahit sino pa sya, wala akong pakialam! Binabalot ngayon ang puso ko ng galit dahil sakanya! Humanda talaga sya saken. Dahil, mas malala pa dito ang igaganti ko sakanya!

"Oh. Isuot mo muna." Naramdaman kong may inabot saaken si Blaze. Dahan-dahan ko namang iniangat ang ulo ko. At nakita kong inaabot niya saken ang varsity jacket. Walang alin langan ko namang kinuha yon.

"S-salamat...." Tumalikod naman sya kaya sinuot ko na yung jacket sa tuyo ko ng katawan. Ang haba saken! Hanggang hita ko! Siguro nasa isang dangkal mula tuhod.

Kulay pula ito na may puti. Sakanya siguro ito. Gamit niya sa basketball?*

"Okay na...salamat." Lumingon naman sya saken at agad na nag-iwas ng tingin. "Hintayin muna naten makalabas ang mga kasamahan ko bago tayo lumabas..." Tumango lang naman ako sakanya.

Maghintay lang kami makalabas ang mga kasamahan nya. Naliligo pa kase ang mga ito.

* * * *

Zein's POV

"Hindi mo ba ma-contact?!"

"Hindi nga! Nakapatay ang cellphone!"

Inirapan ko naman si ate. Kanina nya pa kase ako kinukulit, kung na contact ko na ba si Siri. E patay nga ang cellphone ng gaga! Saan na naman ba kase nag sosumuot yon?!

"Kaya nya naman sarili nya. Wag kayong O-A." Biglang singit ni Kira sa usapan. Walang ekspresyon ang mukha neto.

"O-a?! Baka mamaya kung ano na mangyari don!" Sigaw ko kay Kira.

"Seriously? I don't think so." Tumayo sya at umakyat sa kwarto niya.

"Balikan kaya naten sa school?"

Just A MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon