Siri's POV
Nang makauwi kame ay bakas parin samin ang pagkagulat sa nangyari kanina sa campus.
"Ano na naman kayang kailangan ni Diego kay Blaze?" Tanong ni Kira, habang nagluluto ng hapunan namin. Si Zein naman ay naka-upo sa sofa at ginagamot ang pagpalo sakanya nung Tristan.
"Amg dapat na tanong...ay anong ginawa ni Blaze kela Diego at dinayo pa talaga sa campus!" Sabi ko. Tumango lang naman sya bilang pag-sang ayon.
Ako naman ay nagpaplantsa ng uniporme namin para bukas, tatlo ang uniporme namin at para yun sa iisang linggo, tigatlo kami non.
Kilala namin si Diego at hindi yun basta susugod kung wala kang ginawang hindi mababaw, dahil ikaw mismo gagawa ng dahilan kung rerespetuhin ka nya o tapyasan! Tss.
"Ano Scoth?! Buhay ka pa ba?!" Natatawang sabi ko na nakabaling kay Zein!
"Tss, king inang bata yon! Pasalamat sya hindi ako naka ilag non."
"Sabihin mo mabagal ka lang talaga! Hahahaha!" Pang-aasar sakanya ni Kira.
Nagtawanan naman kami dahil nag-aasaran na naman yung dalawa. Hindi parin talaga maalis sa isip ko yung mga nangyari kanina, sinabi naman samin nila, Jigs na sina, Blaze ay gangster kaya siguro ganun na ang nangyari. Pero hindi kase talaga napasok ng may sariling teretoryo sila Diego, pwera nalang kung may nag-utos sakanila. Ganun kase sila, lapagan mo lang nang pera sa harap kahit anong i-utos mo ay susundin na nila, kahit pa patayan yan. Delikado talaga sila Blaze dahil hindi sila titigilan ni Diego---at yung Tristan? Tss, bagong bago lang sya at mukhang hindi nya pa kame kilala. Tsk...tsk..tsk, mukha pa namang bata pa yon, dapat hindi sya sumama kila Diego, mapapahamak kang sya!
"Woy Siri!"
"A-ano?" Nabalik lang ako sa realidad nung kulbitin ako ni Zein. Masyado na pala malalim ang iniisip ko, hindi ko man lang napansin.
"Kakain na tayo, bilisan mo na dan."
"Sige." At tinapos ko na ang pag paplantsa, tumingin naman ako sa orasan. 9:16 na. Mag-aaral pa naman ako!
Nang matapos ako mag plantsa ay dumiretso nako sa dinning at naabutan kong naghahain na sila, maliit lang tong apartment namin kaya di ka maliligaw dito, hindi narin naman kame magtatagal dito, dahil may lilipatan na kaming bahay.
"Ayos na nga pala yung mga motor nyo, pwede nyo nang gamitin bukas." Salita ni Zein.
Tumango lang naman kame, at nagkwentuhan pa kami tungkol sa firstday.
"Siri, wag mo na ulit gagawin yung pag patol kay Apple ha?" Si Kira.
Napairap lang naman ako nung maalala ko na naman yung nangyari kanina sa school, ang sarap talagang ilampaso ang mukha ni Apple e.
"Tss."
"Seryoso Siri, wag mo na uulitin yun kahit na ano pang mangyari--kahit na kanino pa man."
"Oo na." Ayaw nilang patulan ko ang kahit na sino, dahil nga napag-usapan na namin na magbabago na kami, hindi na kami makikipag basag-ulo.
Tinapos nalang namin ang hapunan, si Zein naman ang naka toka ngayon sa pag huhugas ng pinggan kaya naman umakyat na agad ako sa kwarto ko, naligo lang ako at pag labas ko ay nagsimula nang mag-aral.
12:37
Natapos na ko, bumaba naman ako para uminom ng gatas.
"Oh gising ka pa din?" Tanong ko nung makita kong umiinom din ng gatas si Kira.
"Kakatapos ko lang mag-aral e," sagot nya. Sanay kaming mag aral nalang ng mag-aral, yun lang ang ginagawa namin pag wala nang magawa l, nag a-advance reading kase kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Just A Memory
ActionIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...