Inaantay ko nalang ang mag break! Pano ba naman. E gutom na gutom nako, boring pa magturo mga lec namin. Hayssss!
Tick..tock..tick..tock..
Maya-maya rin ay break na! Yey! Gutom na gutom na kase talaga ako, swear! Gutom na talaga ako! Super duper mega!
"Tara na guys! Gutom na aketch!" Yaya ko sa mga kaibigan ko. Nagaayos na kase sila ng gamit nila.
"Hindi ka ba kumain kanina, Siri?" Tanong ni Zein saken.
"Kumain naman..hehe."
Tinignan ko naman sila Aecee at Jigs, may problema talaga tong dalawang to e! Ano ba problema nila?
Lumapit naman si Aecee samin.
"Tara na! Gutom narin aketch!" Si Jigs. Nagkakailangan si Aecee at Jigs, alam kong nahahalata na ng iba. Hindi nalang namin pinansin at sabay sabay kaming lumabas ng classroom.
Nandito palang kami sa quadrangle ng nakasalubong namin si Apple. Himarang nya pa kami, or should i say ako?!
"Kinginang mansanas to, ayaw talaga tumigil e." Rinig kong bulong ni Zein.
Binigyan ko lang naman ng walang-kwentang-look. Hindi talaga sya nakonsensya sa nangyari saken ano! Sabagay sabi nga ni Shiela, e nagsumbong pa daw eto.
"Ano na naman ba yon, Apple?!" Inis na sigaw sakanya ni Aecee.
Inirapan lang sya ni Apple. Kung pwede ko lang talagang kutusan to e, pati yung mga alepores nya. Ang liliit kaya nila kesa samin.
Bumaling muli saken si Apple.
"Kamusta naman ang ulo mo, Siri baby?" Nangaasar pa talaga! Tibay rin e noh!
"Ayoko na ng away Apple. Kaya pwede ba padaanin mo na ako."
Natawa naman sya pati narin yung mga alipores nya.
"Pero hindi pa ako tapos sayo. Naospital ka lang nakalimutan mo na agad? Hahahaha....your so funny!"
Badtrip talaga tong babaeng to!
"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo saken? Tapos ikaw pa tong may ganang makipag away. Wow! As in wow!" Winagayway ko pa ang dalawang kamay ko sa harap nya.
"Hindi talaga! Dahil hindi naman ako ang may kasalanan non, ikaw yun! Ikaw! Kyaaaah! Ikaw!" Pasugod nya akong sinabunutan. Fvck! Ang saket!
"Ano ba! Bitawan moko!" Sigaw ko at hinawakan rin ang buhok nya! Kinginang yan! Hindi pa nga masyadong galing yung sugat ko sa ulo e!
"Apple! Tama na!" Si Aecee.
Pinipigilan nila kami. Si Aecee ay pinipigilan si Apple. Nakita ko naman yung dalawa alepores ni Apple na sinasabunutan si Aecee. Kaya naman sinabunutan din ni Zein yung isa at sa isa naman si Shiela. Si Kira at Jigs naman ay pinipigilan ako.
"Tama na!" Sigaw ko.
"Ahh! Bwiset ka! Malandi ka!" Sigaw ni Apple at mas lalong dinidiinan ang sabunot saaken!
Ang sakit na talaga!
"Fvck! Bitaw na nga!" Sigaw ni Aecee.
"Masyado kang pakialamera Aecee!" Sigaw nung kasabunutan ni Aecee.
Marami ng nagbubulungan at nakapaligid samin. Pero wala silang ginagawa kundi ang manood. Hanep!
"What the---itigil nyo na yan!" May lalaking sumigaw sa bandang likod namin. At nasisigurado kong si Blaze yon. Tsss. Eto na naman po tayo!
Hindi naman nagpatinag si Apple. Patuloy parin sa pagsabunot saken. Naramdaman kong lumapit samin si Blaze. Hinawakan nya si Apple. Para pigilan. At nagtagumpay naman sila. Tumigil narin pala sila Aecee. Nakita ko pang lumapit yung ibang kaibigan ni Blaze.
BINABASA MO ANG
Just A Memory
ActionIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...