"Ano?!"
"Tigang kayo! Wag nga kayong sumigaw. O-a kayo kung magreact!" Saway ko sa dalawa.
Paano ba naman. Pagkakadating ko e, sinermonan agad ako. Tas eto nga ako, kinwento sakanila yung nangyari!
"Dun ka natulog?! Magkatabi kayo?!"
"Ulul ka na ba?! Malamang hindi!" Inismiran ko naman si Zein sa mga pinagsasabi nya.
"Eh ano nga?!"
"Pucha! Kung pinapatapos mo kase ako ano?!" Inambaan ko naman sya ng suntok. Napa piece sign lang naman sya.
"Kase ganto nga yun, so nagising ako sa hindi-ko-malaman-kung-kaninong-kwarto....tapos, syempre nagising akong mag-isa lang tapos, nakita ko si Blaze na nasa pinto nakasilip—"
"Ano?! Sinilipan ka?!" Sigaw ni Zein.
"Manahimik ka nga muna ha! Hindi pa nga kase ako tapos! Kanina ka pa. Isang-isa nalang, Zein! Bubusalsalan ko yang bibig mo!" Natawa lang naman sya. Inirapan ko lang naman sya tapos tinuloy ko na ang pagkukwento. Si Kira naman tahimik lang, ganyan naman yan e!
"So yun na nga. Nandun sya, tapos sabi nya mag-ayos na daw ako at ihahatid nya ako. Tapos dun ko lang nalaman na nasa guess room pala nila ako..tapos yun na, hinatid nya na ako. Yun lang."
Tumango tango naman si Zein.
"Ahh..akala ko naman kung ano na e. Bat kase natulog ka dong gaga ka!" Binatukan naman ako ni Zein.
"Geez! Ilang beses ko bang kailangan ipaliwanag sayo na nakaidlip nga ako sa pagod!"
"Eh, bakit di ka man lang nagtext para naman nasundo ka namin—wait! Nasan yung motor mo ha?!"
"Nakalimutan ko nga mag cellphone, dahil busy din kame...tapos yung motor ko nandun sa Campus iniwan ko kahapon. Nabutas...ay no! Hindi pala nabutas, Binutas yung gulong ko."
Bigla naman kumunot ang noo nila pareho.
"Binutas? Nino?" Salita ni Kira
"Hindi ko alam..."
Tsk! Pag nalaman ko lang talaga kung sinong hudas ang nagbutas ng gulong ko! Sinasabi ko sakanya, magtago-tago na!
"Wala kang ideya?"
Napalingon ako kay Zein.
"Wala." Sagot ko, atska tumayo at dumiretso sa kwarto ko. Nakakapagod! Buti nalang at sabado ngayon. Hihiga nalang ako magdamag. -.-
Patuloy ko parin iniisip kung sino yung nagbutas ng gulong ng motor ko. Halatang halata! Pag nalaman ko lang talaga. Nako! Sya ipapalit kong gulong sa motor ko. Bwiset e!
*knock* *knock*
"Siri! Mag impake ka na, ngayon na tayo lilipat!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa sinabi ni Zein!
"Bakit ngayon?! Ang aga naman?!"
Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan sya. Naka halukipkip lang naman sya.
"Akala ko ba sa isang linggo pa? Bakit ngayon?"
"Pinabilis na nila ate. Makikitir –"
"What?! Zein naman! Pinagusapan na naten to ah? Sabi ko wag mo silang pasamahin saten!" Sigaw ko. Kaya naman narinig kong nagbukas ang kwarto ni Kira at lumapit samin.
"P-pero k-kuya mo ang makulit."
"Fvck!"
*blag!*
Padabog akong pumasok sa kwarto ko at nahiga ulit sa kama ko. Nakakainis! Bat ba kase kailangan pa nilang sumama samin?!
Kinuha ko cp ko at nag call back kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Just A Memory
ActionIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...