Chapter 1

2K 43 6
                                    



August 18,2019;

Napahilamos nalang ako ng mukha gamit ang dalawa kong mga palad, napasandal sa upuan at napabuntong hininga.

Andito ako ngayon sa favorite kong tambayan. Sa 'Sweet Escape' near lang ito sa condo ko kaya dito ako laging tumatambay. To escape sa mga problema ko. Itinuturing ko talaga tong cafe na ito na literal na sweet escape. Napaka calming kasing ng environment dito. 

Pero ngayon? Wala atang epekto sakin itong caramel frappe na iniinom ko at isang glazed donut.

Kadalasan kasi ito talaga yung pampakalma ko at ito yung kinakain ko para makalimutan ko yung mga problema ko pero ngayon? ugh hindi ko na talaga alam.

-

-

15 minutes had passed at di ko pa nababawasan yung glazed donut ko at wala pa sa kalahati yung frappe ko at eto! nakatitig lang ako sa bintana. Pano, yung napanaginipan ko kagabi. Hindi siya matanggal sa isip ko. 

Okay, i'll describe my dream. I saw a man sobrang blurred ng mukha niya sa panaginip ko and ang tawang niya sakin is "vicky" maybe because nakuha yung sa name kong "victonara". Tapos nakatitig lang siya sakin and then he even said "i love you, vicky" before i woke up. 

Ang nakakainis pa, wala akong masyadong kilalang tao. Except sa family ko shempre and sa mga dati kong kateam sa DLSU at PSL.

Okay kasi ganito, Its been a year nang maaksidente ako. I have an amnesia right now and nahihirapan ako kasi wala man lang akong maalala sa mga nangyari sa nakaraan ko kahit isa. I suffer sa situation ko right now because lagi akong nananaginip ng mga taong hindi ko naman kilala. 

Pero madalas, yung guy na tumatawag sakin ng vicky yung napapanaginipan ko. Kaya eto, di tuloy ako mapakali kasi madalas ko na siyang mapanaginipan. Pinipilit kong alalahanin kung may kilala akong guy na vicky ang tawag sakin pero wala talaga eh. 


"Ma'am" nagulat ako sa pagtawag sakin ng isang waiter. 

"Yes?" tugon ko naman.

"May nagpapabigay po" saad niya sabay abot sakin ng green na sticky note with a message. 

  "Hi! Cheer up! Kung ano man ang problema mo malalagpasan mo rin yan. Tiwala lang" 

Automatic naman akong napangiti. Ang cute naman niya! Nagbigay pa talaga siya ng ganito to cheer me up. 

After kong titigan lang yung note, since lahat ng waiters and waitresses ay busy, ako na yung mismong lumapit sa counter. Ipapabalot ko nalang yung donut. Wala ako sa mood kumain nito eh so yeah.

  "Um kuya, pwede po pabalot nalang?"  I asked a chinito guy na parang manager ata nitong cafe or idk baka siya may ari. Hindi kasi siya nakasuot ng pang waiter eh! Ewan! haha!

  "Ayoko nga"   plain niyang sagot.

Nagulat naman ako sa sinagot niya at napataas yung maganda (charot) kong kilay. 

  "Joke lang hehe"   he immediately said and grabbed the tray that i was holding. 

Ang cute naman niya. 

  "Here po ma'am. Thank you and come again" he said and flashed a smile.

He's very adorable. 

And it's weird because feeling ko matagal ko na siyang kilala. Pero psh what a silly thought. 

-

AkalainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon