Chapter 29

525 21 3
                                    


January 8,2020; Wednesday

Maraming nangyari, dalawang buwan at isang linggo nang hindi nagpaparamdam sa akin si thomas. 

Nag pasko, nag bagong taon, nag birthday na ako pero wala akong nakita kahit anino man lang niya. 

Pero kahit and dami na nagbago at nangyari, hindi nawala sa isip ko si thomas.

Kaya ngayon, pupunta ako sa baguio.

Wala akong kasama, dahil kapag nalaman to ni mika o ni kim di nila ako papayagan umalis. 

Lalo na sa ganito kalayo, eh bakit ba dalawang buwan palang naman tong tiyan ko.

Nararamdaman ko nang malapit ako sa baguio dahil medyo lumalamig na yung hangin.

Ilang sandali pa ay nakarating na nga ako sa baguio pero naalala ko, hindi ko nga pala alam yung daan kung saan yung bahay ni thomas

Aish! Pano ba to?!

San ako magsisimulang maghanap?

Nagtingin tingin ako sa paligid at may nakita akong picture ng sagada, agad akong napangiti sa ala-alang kumakain kami ni thomas ng strawberry taho at sabay pinagmasdan ang bituin.

Agad akong napangiti at nagtanong kung paano pumunta doon.

Sa awa ng Diyos, nakarating naman ako bitbit ang bag ko. 

Napakasarap ng hangin. Parang mga yakap niya. Hay thomas, nasaan ka na ba? Miss na miss na kita thomas.

Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiti

"Baby, kapit ka lang ha, mahahanap din natin si daddy"

Pinagmasdan ko pa ang paligid at laking gulat ko nang makita ko si manong taho!  Agad akong lumapit sakanya at nakakatuwa kasi naalala niya pa ako

"Oh, iha? Buti nakabalik ka dito!" bati sa akin ni manong taho

"Oo nga po eh, nga pala, pabili po ng isang taho" 

"Isa lang? Asaan si thomas?" hindi ako nakasagot

"Iha?" pagtawag niyang muli

Ngumiti lang ako at kinuha yung taho sakanya

"Kay thomas ba yan?" tanong niya at agad akong napakunot ng noo

"P-po?" 

Tinuro niya yung tiyan ko at agad ko namang nagets

"O-opo" sagot ko

"Mabuti naman" saad niya at ngumiti

Aalis na sana siya kaso naalala ko hindi ko pa alam pangalan niya

"Manong, ano po pala pangalan niyo?"  tanong ko

Ngumiti siya at sabay sabing "Arnold" saka umalis

Ngumiti ako saka kinain ang tahong hawak-hawak ko

Pagkatapos kong kainin ito, naglakad lakad pa ako. Ang sarap lang kasi magpalakad lakad sa baguio eh.

Hanggang sa napagod ako at umupo. Sa tabi ng upuan ay may nagtitinda ng mga jewelries.

Parang ngayon ko lang to napansin? Nung unang punta namin dito ni thomas, hindi ko ito nakita.

Umupo ako at sumandal saka hinawakan ang tiyan ko at napapikit. 

Walang segundo sa buhay ko na hindi ko naiisip si thomas, pumikit lang ako, naalala ko na mukha niya. Yung maamo niyang mukha na nagpapangiti sa akin araw-araw

Everyday... my heart broke from missing you, Thomas.

Napabukas ako ng mga mata nang biglang may tumabi sa akin. Sa palagay ko ito yung tindera nung mga jewelries.

 Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin siya

Nakita ko ang mga mata niyang naglakbay simula ulo hanggang sa paa ko. Tila bay inoobserbahan ako. Ngunit huminto siya noong nakita niya ang kamay ko sa tiyan ko

"Ilang buwan ka na, iha?" tanong niya

"Dalawang buwan palang po" saad ko at ngumiti

Nakita kong tinignan niyang muli ang aking kamay na nasa tiyan kaya napatingin na rin ako rito. 

At kung hindi ako nagkakamali, nakatitig siya sa singsing ko.

"B-bakit p-po?" tanong ko sakanya at ikinagulat ko nang ngumit siya

"Yung singsing mo, iha" 

Agad akong napatingin sa singsing ko

"Bakit po?" tanong ko 

"Yung taong nagbigay sa iyo niyan, masaya ba kayong nabubuhay ng magkasama?" tanong niya at agad akong nabigla

"A-ano p-po?" pagpapalinaw ko pa

"Ako gumawa niyan, Iha. Tandang tanda ko pa, mga tatlong taon na ang nakakalipas nang ipagawa iyan sa akin nang isang lalaki"

"P-po? Sigurado ho kayo?" 

"Inukit ko ang pangalang vicky sa singsing na iyan kaya namukhaan ko kaagad" kwento niya

Samantalang ako, nakatulala lang ako sa sinabi niya.

Tatlong taon? Kanino galing ito? 

"Sigurado akong masaya na kayong dalawa, kita mo nga naman, magkaka-anak na kayo" saad niya pa at mas lalong gumulo ang isipan ko

Itatanong ko na sana kung naalala niya pa yung taong nagpagawa ng singsing na ito kaso biglang nag ring ang cellphone ko

"Oh sige, maiwan na kita, iha" saad niya saka umalis. Hindi ko man lang siya napigilan kasi dire diretsyo siya. 

Hayst! Tinignan ko ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si mika

"Bakit?" agad kong tanong nang sagutin ko ang tawag ni mika

"Jusko, Ara! San ka nanaman nagpupupunta?" tanong niya nang pasigaw

"Bakit ba? Nagpapahangin lang naman ako sa labas" pagsisinungaling ko

"Asan ka? Pupuntahan kita" 

"Wag!" agad kong saad 

"Ha?" 

"I mean, basta! Uuwi na ako wag mo na ako puntahan" 

"Bilisan mo, ara papunta na dito si tita" saad niya

"Ano? pupunta si mama sa condo mamaya?" 

"Oo. Kaya bilisan mo" 

Agad kong binaba ang tawag at nagmadaling umalis.

Bakit bigla bigla nalang umuwi si mama at magpapakita nalang basta basta at walang pasabi?                 

-

-

-

-

//

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Shet, ang tagal kong hindi nakapag-update at dahil don, sorry talaga as in. Sobrang naging busy lang talaga ako tas ang ikli pa ng ud ko ngayon huhu im trying my best naman basta babawi talaga ako sa inyo! Promise yan huhuhu sorry talaga guys :-( sana naiintindihan niyo

Anywys, continue supporting my story! And continue also sharing your thoughts! I love u all!!

twitter: bothomless 




AkalainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon