Chapter 28

535 20 3
                                    


Ara's POV;

R.I.P

Timothy Jacob Torres


Iyan ang unang nakita ko pagkalabas ko sa kotse ni thomas.

Pagod pa rin ako at ang hapdi ng mga mata ko.

Kanina pa si thomas nandito sa puntod na ito. Sa palagay ko ito yung unang anak niya.

"Sorry, iniwan kita sa kotse" he said saka ako inakbayan

Hindi ako nagsalita. Patuloy kong binasa ng binasa ang pangalang nakaukit sa puntod. 

Para kasing napaka pamilyar neto. 

Parang narinig ko na itong pangalang ito.

Tumingin ako sakanya na para bang naghihintay ng sagot

"Si Timothy, ara. Anak ko" saad niya at nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Timothy Jacob" basa kong muli sa pangalan nung bata.

Hindi ko alam pero ang sarap lang basa-basahin ang pangalan ng bata. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa tiyan ko.   

Agad akong napangiti. Hindi ko gagawin yun. Hindi ko ipapalaglag ang bata.

Tinignan kong si thomas at ngumiti sakanya. Naramdaman ko ang ang kamay niyang hinawakan ang kamay ko. 

Bakit ganun? May pakiramdam ko na narinig ko na ang pangalang nasa puntod bago pa ako maaksidente. Malakas ang kutob ko na malaki ang bahagi nito sa buhay ko dati.

"Sinong ina?" tanong ko at kitang sa mukha niya na nagulat siya sa tanong ko.

Napatingin siya sa akin at tila ay di makasagot.

"Ano ara, hindi na mahalaga yun" saad niya saka yumuko

Humarap ako sakanya at tumingin sakanya. 

"Sino ang ina ng batang ito, thom?" tanong kong muli

Hindi siya sumagot ngunit nagsimula na tumulo ang mga luha niya.

"THOMAS!" hindi ko na-nacontrol ang sarili ko kaya nasigawan ko na siya.

"A-ara, h-hindi mo na kailangang malaman" saad niya at tuloy pa rin ang pag-iyak

"Ara" saad niya at hinawakan ang magabilang braso ko

"Ara!" saad niya pa at tuluyan nang nangitim paningin ko

-

-

-

-

-

-

AkalainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon