Chapter 30

491 26 2
                                    


"Jusko ara! Bakit ang tagal tagal mo?" tanong sakin ni kim

"Traffic eh!" pagdadahilan ko

"San ka ba galing?" tanong muli ni kim

Hindi pa ako nakaksagot ay biglang may kumatok.

"Shit, si tita na ata yan" saad ni mika

Medyo kinabahan ako na ewan! Hindi ko alam! Sobrang weird lang talaga na pumunta sa pinas si mama nang wala man lang pasabi.

"Tita?" sigaw ni mika bago niya buksan yung pinto.

"Ako nga, mika" saad ni mama

Agad na binuksan ni mika yung pintuan

Agad ako nakita ni mama at tumungo sakin

Niyakap niya ako pero wala akong maramdaman. May iba talaga eh. Nararamdaman kong may iba.      

"Ma, kelan ka pa nandito sa Pilipinas?" tanong ko

"hindi mo ba ako na-miss?" tanong niya pa

Nahalata ko kaagad na iniiba niya yung topic

"Anong meron? Bakit di mo man lang sinabi sakin na babalik ka?"

"Nako, mamaya na ang mga tanong haha! Kumain muna tayo" saka niya inilapag ang dalang pagkain sa lamesa.

Jusko mama, kung ano man ang tinatago mo, malalaman ko rin iyan.

-

-

-

-      

Natapos na kaming kumain at medyo tahimik na. Si mika and kim pumunta na sa kanilang mga units para raw makapag-usap kami ni mama ng maayos

"Kelan pa yan?" seryosong tanong niya

Nakita kong nakatuon ang dalawang mata niya sa aking tiyan.

Ito ba yun dahilan ng pag-uwi niya dito? Nalaman niyang buntis ako?

"Sinong ama?" 

Hindi ako makasagot.

Sabi ko na eh, magagalit si mama. 

Ano bang pakealam niya? Ano bang meron? Masama ba ito? Nagmahal lang naman ako.

Krimen na bang magmahal ngayon?

"Sinong Ama?!" Pasigaw niyang tanong

Nagsimula nang magsilabasan ang mga luha ko. 

Natatakot ako. 

nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at sinampal ako.

Napahawak ako sa pisngi ko at halos gusto ko na siya sabunutan kaso nanay ko siya.

Lalo akong napaiyak

"Isa kang kahihiyan" saad niya

"Sabihin mo kung sino ang ama niyan!" sigaw niya pa

"Bakit?!! MAHALAGA PA BA YON?" sa wakas nagkaron din ako ng lakas ng loob magsalita

"Pag nalaman mo kung sino, may magagawa ka ba para mahanap ko muli siya? o baka may gawin ka pa nga sakanyang masama!" dagdag ko pa

"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mong lumandi!"

"Nagmahal lang ako, ma!" 

"Eh asan siya ngayon? Sabihin mo! Asaan siya?" 

Hindi ako nakasagot

"Hindi ka niya mahal. SInasayang mo lang ang oras mo" saad niya

Totoo ba thomas? Iniwan mo ako kasi hindi mo ako mahal?

AkalainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon