Chapter 16

561 24 9
                                    



October 8, 2019; Tuesday


"Thomas, marunong ka naman pala magpaint eh!" i said to him 

totoo, may talent din pala siya sa pagpipinta

"Yeah, minsan kapag bored ako nagp'paint ako but i'm not good as you"    

"Nye! Hindi naman ako magaling, marunong lang!" i said to him 

"Pa-humble!" saad niya 

"Ah ganon?" i jokingly said at sinamaan siya ng tingin

"Joookeee" he said and pinched my cheeks

Andito kami ni thom sa sofa, wala lang we are just chilling ++ painting while drinking coffee.

He is still busy painting and i am just looking at him. Wala lang, minsan talaga napapatitig nalang ako sakanya eh.

Ganun pa rin naman siya, he is  still sweet, kind, gentle, caring, God-fearing, loving ahh!! lahat na ata ng katangiang gusto ko sa isang lalaki, nasakanya na!

Agad siyang napatingin sa akin... Napansin niya sigurong tumahimik ako...

"Why?" he asked

"Wala lang" i said with a smile

But instead na mag paint siya uli, inilapag niya yung gamit niyang brush at humarap sa akin

"Yung totoo, ara?" 

"Wala nga, thom. Gwapo mo kasi kaya ako napatulala sa iyo!" saad ko and kissed him sa cheeks niya 

Napansin ko namang nanigas siya at napatulala nalang 

"Hala, thomas? Anyare sayo?" saad ko at medyo niyugyog siya. sira ulo rin to minsan eh 

"Did you just??" 

"hahahaha, yes i did" i said and still cant stop laughing. Parang timang eh! 

"Isa pa nga" saad niya at nagpout 

"Ulul! Abusado!" saad ko at natatawa pa rin ako 

"Sige na pleeeease" pagmamakaawa pa niya

"Ayaw, bleh" saad ko at binelatan siya

-

-

-

-

-

-


Andito ako ngayon sa kusina naghahanda na ng lunch namin ni thomas. Since nag ccrave ako ng caldereta, makaluto nga hehe

Thomas on the other hand is making ligpit his kalat wtf ang conyo ko na nahawa na ako kay thomas! I mean, nililigpit ni thomas yung mga ginamit niya sa pagpipinta kanina hehe

So yeah, i am currently slicing the potatoes nang maramdaman kong may taong papalapit sa akin

Napatingin ako sakanya and i automatically smiled

But i saw him and he is totally shocked. Anong meron?

"Ara!!" he shouted 

and then i realized na nahiwa ko na sarili ko

what even?? ganito ba talaga kapag masaya ka? hindi mo na nararamdaman yung sakit?

Tinanggal ko yung singsing ko kasi sa may ring finger ko nahiwa para mahugasan ko rin ng maagi.

AkalainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon