Journal Page 1

88 5 0
                                    

Entry 1

This is it! I'm getting married to my college sweetheart! Ryael Dela Cruz. 02/11/17. I'm so happy kasi sa taong mahal ko at mahal ako ikakasal. Bihira nalang ito mangyari sa iba.

Yung feeling na pinagpapawisan ang mga kamay ko dahil sa excitement at saya. Eto na yun mas malala pa ang saya na ito nung grumaduate akong suma cum laude at nagpropose siya sa akin. Gosh. Gusto kong tumili ng tumili pero baka isipin nilang OA lang. Hahaha.

Oh my God! Isang oras nalang pupunta na kami sa simbahan. Teka...kinabahan ata ako. Shemay!!!!

Anyway highway! Yun lang muna.

-Riema Rose soon to be Mrs. Dela cruz

Nakangiting sinarado ko ang journal na hawak ko at itinago iyon sa cabinet.

Simula ngayon ay magiging journal iyon ng married life ko. Yes, I'm that weird but I just want something to document all my days with my husband and maybe my future great great grandson/granddaughter will find it. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko sa aking isip ang mga batang naglalaro. Mini Ryael and mini Riema. Napakagat ako sa labi para mapigilan ang kilig ko.

Natigil ako sa pag-iimagine at napatingin ako sa pintuan ng marinig kong bumukas iyon at inuluwa ang aking mga bridesmaids.

"OMG girl! Eto na talaga to the highest level! Ikakasal ka na!" masayang patili na bati ni Joy -ang isa sa kanyang mga abay at barkada nung college.

Nginitian ko siya. "Yep. Dream come true na mga baliw...And I am so happy, we have overcome all the fights and problems we had." Naluluhang sabi ko. I can't help but to get emotional. I am just so happy and I feel overwhelmed and excited, naghalohalo na.

"Ang drama neto. Kala mo naman end of the world na at hindi kasal ang mangyayari." Komento ni Yrma sa naiinis na tono pero medyo naluluha na din ito.

Nagtawanan kami kahit na nagiging emosyonal na din kami.

Tinignan ko ito ng masama pagkatapos humupa ang tawanan. "Kontrabida ka talaga."

"Tignan mo nga naman, tama yung hula namin na ikaw ang uang ikakasal sa atin." Sabi naman ni Joy sabay abot ng kamay ko.

Natigilan ako at napatingin kay Ydline. Napansin kong natigilan din si Cecilia at tumingin ito sa akin, conveying a secret message.

"Kinakabahan ka ba?" tanong pa nito habang mataman na nakatingin sa akin.

Tumawa ako and gave her the sweetest smile. "Ano ba! Excited ako kamo!" I laughed heartily, because that is what I really feel. I didn't get the wedding jitters that other brides or groom get.

I wonder if Ryael is feeling the jitters?

"E di wow!" sabay na bulalas nila Rym at Ydline at nag apiran pa ang mga ito habang nagtatawanan.

Nagsikindatan pa ang mga ito at kanya kanya ng komento sa honeymoon na magaganap.

I ignored the naughty remarks that they are saying and looked at the wall clock.

I am very very excited.

I can hear my heart pounding like a horse that wants to get to the finish line already.

"Excited ka, mamaya di pala sisipot si fiancée ." komento ni Yrma na siyang ikinalingon ko dito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. What the!

Hinampas ni Joy si Yrma sa braso. Na siyang ikinahiyaw ng huli at pinalo rin si Joy.

Nagsibatuhan sila ng tissue kay Yrma pero ako ay parang naestatwa nalang.

Bigla akong nakaramdam ng takot at muntik na akong mapasimangot pero dagli din iyong napalis. Buti nalang naalala kong talagang may pagka nega ang kaibigan kong ito.

Hinila ni Ydline ang dulo ng kulot na buhok ni Yrma.

"Ano ba!" Reklamo pa nito.

"You are so tactless Yrma." Umiiling iling na wika bulalas ni Cecilia.

"Huy! Wag kang nagsasabi ng ganyan baka magkatotoo!" sita naman ni Joy sa kanya.

"Aysus kung sisipot siya e di mahal niya yang si Riema e kung inindyan niya si Riema e di hindi niya ito mahal." Pagtatanggol naman nito sa sarili.

Sabagay, may point naman ang baliw na to kahit papano. But who will say that to a bride right in the face an hour before the wedding,? Just Yrma for sure.

"Sabagay mahal na mahal naman nila ang isa't isa kahit may sa kulam tong kaibigan natin na to e matutuloy talaga ang kasal mo friend." Sabi naman ni Ydline habang nakaturo kay Yrma.

Umismid naman si Yrma dito at pinakitaan ng hinliliit which means "bitch" sa aming magkakaibigan.

"Iniistress niyo masyado yung bride mamaya sa inyo ihagis ang mahiwagang boquet." Nakangising sabi naman ni Cecilia sa dalawa with matching action pa with her bridesmaids boquet.

Natawa ako sa sinabi nito. Isa din yun sa part ng kasalan na excited ako. Mmmm...I wonder who will catch it.

Tinignan ko ang dalawa at nakitang tumahimik ang mga ito na para bang napakalaking kasalanan ang ikasal. Aba aba mga ayaw pa magsipag kasal.

Nagsi-ayos naman ang mga ito ng may kumatok sa pinto. Iniluwa niyon ang aking mommy at daddy.
"Hi pretty ladies!" Bati ni daddy sa amin.

Ngumisi ang mga kaibigan ko. "Pretty lang tito?" Biro pa ni Ydline dito.
"Well, syempre pagbigyan na natin ang bride na maging pinakamaganda ngayong araw na ito." Pabirong sagot naman ng Daddy.

Napailing nalang ako ng tumawa ang mga ito.

"Daddy naman e!" Angal ko bago lumabi. "Hmp! Basta ang alam ko pinakamaganda ako kahit di ko kasal." They would always gang up on me when I say I'm the prettiest of them all. Sinasabihan nila akong GGSS at kung ano ano pa.

Humagikgik ang mga baliw pagkatapos ko iyong sabihin.

Inirapan ko nalang ang mga ito.

"Okay mga anak tama na ang tuksuhan. 'Nak time for pictures." Sabi ni mommy na very elegant sa suot nitong filipiñana na kulay krema at may malilit na perlas na nakaadorno sa bandang baywang.

Parang mga nagambalang mga langgam naman ang mga kaibigan ko ng marinig ang salitang picture.

Nagsiretouch kami ng make up at inayos ang suot na mga gown.

Kalahating oras din ng natapos ang photoshoot lumabas na ang aking mga kaibigan at si mommy nalang ang natira sa kwarto.

"Ang anak ko... iiwan na kami." Madramang wika nito habang hinahaplos ang mukha ko.

"Ikakasal ka na, wala ng madaldal sa bahay. Naiiyak ako." Sabi pa nito habang pinapaypay na ang isang kamay sa mukha nito.

" 'My naman, bawal po ang drama...sayang ang make up." Pagbibiro ko pero umiinit na rin ang sulok ng mga mata ko. I can't imagine a world without my mom.

"Basta anak gusto ko ng limang apo." Bulong naman nito na para bang nanhihingi lang ng kendi.

Agad kong naramdaman ang pagpula ng mukha ko sa sinabi nito. "Mommy naman!" Saway ko sa kanya na ikinatawa nito ng malakas.

My gosh! My mom is like a bipolar person. Naiiling na isip ko.

Tumigil na ito sa pag tawa at hinawakan ako sa mga kamay.

"I love you anak." Sabi nito bago ako niyakap at inakay palabas ng kwarto.

" I love you too mommy. 'wag ng madrama at eto na ang simula ng #roadtoforever ko."

Heart break Journal: Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon