"What do you want?" bungad ko kay Ryael.
"No goodmorning?" nakangising tanong nito.
Gusto ko itong irapan pero mas mabuting ipakita na hindi ako naapektuhan nito kaya pinanatili ko ang walang ekspresyon kong mukha habang nakatingin dito at umupo.
Nabura ang ngisi nito sa labi at nag alis ng bara sa lalamunan.
I accepted this lunch with him para makapag usap kami ng mabuti. I know I freaked out earlier nang makita ko ito pero I am human with a weak heart. Nagulat ako sa pagsulpot nito sa buhay ko bigla bigla.
And now I should behave accordingly and maturely.
I looked at him when I gained the courage to and saw his serious face and intense stare that can make me shiver.
And to my surprise, my heart started to race and my cheeks warmed under his scrutiny.
Damn heart!
Napakurap ako at huminga ng malalim para kumalma ang puso kong nakikipagkarera.
Think of why you are here Rie! Sigaw ng isip ko.
Yeah, he ditched you at your wedding day and he is a jerk and a douchebag and ---
"-is it okay with you?"
Nalilitong bumaling ako sa kanya.
"Huh? You were saying?" tanong ko sa kanya iniiwas ko ang mapatingin sa mga mata nito.
"I'm asking if is it okay to order your usual order." Sabi naman nito.
Ngayon ko lang nakita at napansin ang waiter na nasa gilid ng mesa.
Wala sa loob na napatango ako.
Nang ngumiti ito ay uminit bigla ang ulo ko lalo na nang marealize kong naisahan ako nito.
"Can you start talking now?" agad kong sabi ng makaalis ang waiter.
Ramdam ko ang paninitig nito bago ito nagpakawala ng hininga na para bang nahihirapan ito.
Tsk. Ito pa ang may ganang umakto ng ganoon.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" naiinip na wika ko bago pinagkrus sa aking harapan ang mga braso ko at tinitigan ang mukha nito. Ngunit kahit anong iwas ko sa mga mata nito ay nahuli nito iyon at tila nawala na naman ako sa sarili.
"Alam kong galit ka sa akin." Panimula nito at hinintay na may sabihin ako pero nanatili akong nakatingin lang sa mga mata nito.
Nakakalito, oo nalilito ako dahil nakikita ko sa mga mata nito ang paghihirap at ang isang emosyong pilit kong itinatanggi.
Tumikhim ito. "You have all the right to be mad at me because of what I did." Sabi nito.
I scoffed. "Damn right." Mahina kong wika ngunit alam kong narinig nito iyon.
"I wanna explain—"
I snorted and gave a sarcastic laugh.
Okay, so much for being mature. But I can't just help myself.
Umiling ito sa tinuran ko. "But I know you won't let me... But that doesn't matter, I understand you... I j-just want a second chance Rie, please let me." He said.
Natigilan ako ng makita ko ang mapulang mga mata nito na tila gusto nang umiyak sa harapan ko.
Does he want my pity? Ganun ba? Magpapaawa ito sa akin para sa chance na hinihingi niya?
BINABASA MO ANG
Heart break Journal: Indelible Love
RomanceThe story of a girl with most downfalls. Meet Riema Rose Rodriguez. She is a girl with trust issues. Sino nga ba ang hindi?, kung palagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Para sa kanya ay wala na talagang forever. Pero paano kung may dumating na...