Journal Page 19

14 2 0
                                    


Inis na tinampal ko ang anumang kumakalikot sa tenga ko habang natutulog.

I groaned when it came back and I heard some female giggles.

"Let me sleep." Reklamo ko bago nagtalukbong ng kumot. Siguradong ang mga abnormal lang ang nasa kwarto ko ngayon dahil nag pajama party kami kagabi which is I know—We are too old for that stuff.

"Riema! Bumangon ka na. Magshoshopping tayo ngayon." Rinig kong wika ni Ydline.

I am interested pero masyadong masarap matulog. I just want to stay here in my bed and continue dreaming about going to korea and meeting Lee min ho, gong yoo, ji chang wook and others that are too many to mention.

"Go away!" iritang sigaw ko.

"Anong go away ka diyan. Bilis na gumising ka na and make our breakfast." Sabi naman ni Cecilia.

"Yeah. I want waffles and special pancakes courtesy of the balik bayan chef." Rinig kong sang-ayon naman ni Joy.

I rolled my eyes mentally. Whatever. Argh, I can't have a peaceful morning with these crazy girls around.

Ilang segundo pa ang nagtagal kakaungot nila. At kahit anong pilit kong bumalik sa dreamland ay di na ako makabalik because of their irritating rants.

Then I heard them shushing each other.

Yes! Finally, makakatulog na di ulit. I murmured with myself.

"Kapag di ka pa bumangon ma-iice bucket ka diyan sa bed mo." Rym said.

Gising na ako. Gising na gising na ang diwa ko. Argh!

Dali daling akong bumangon at tinignan ito ng masama. May hawak nga itong maliit na metal bucket na ewan ko kung saan niya nakuha.

"I hate you." Sabi ko dito bago pumunta sa C.R. at nag ayos.

"Oh I know you know you love me." Pakantang sabi nito sa labas ng C.R.

"Be quick chef. Gutom na ang mga anaconda ko sa tiyan!" sabi naman ni Cecilia at kinalampag pa ang pinto.

Napailing nalang ako.

Eto ba ang na-miss ko?

Napangiti nalang ako.

Definitely.

---

"So never kang nagka-fling talaga sa New York?" di makapaniwalang tanong ni Rym sa akin. Namumula na ito pero maayos pa ang pananalita nito kaya alam kong di pa ito lasing—medyo palang.

Tumango ako. "Oo nga. E di kung meron naikwento ko na sana sa skype palang habang nandoon palang ako, di ba?" sagot ko. Ang ibang mga letra ay medyo bulol na dahil sa tama ng alak.

We are in a bar. Sabi nila ay kabubukas lang nito last month and friend ni Cecilia ang may ari.

"Oooh. Wow. Tagal mo ding single." Sabi ni Yrma.

Tinignan ko ito. "Mas matagal pa sa pagiging 6 years mong single?"

Namula ito ng tumawa kaming lahat.

"Whatever." Sabi nito bago ininom ang hawak nitong vodka.

"Oh wow." Sabi naman ni Joy.

"Bakit?" tanong ni Ydline.

"Wala lang. I realized, ang tanda na pala natin." Sagot nito bago umiling iling.

Heart break Journal: Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon