Dahil busy ang mga kaibigan kong abnormal sa mga kanya kanyang mga buhay ng mga ito ay wala akong maayang pumunta sa mall para maglabas ng galit at pait.
Gusto ko pa naman sanang manood ng horror film para makahiyaw ng makahiyaw.
Ayaw ko din namang si Les dahil nakita pala nito ang kadramahan namin ni Andrei kahapon dahil sumunod ito sa akin.
Akala mo nga daw ay nanonood siya ng teleserye habang nakatutok sa amin kahapon. Syempre ay nainis ako dito dahil hindi dapat nito tahasang pinanood ang pagtatalo naming ni Andrei pero hindi ko na ipinakita iyon at tinanong nalang kung may nakakita at nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nitong siya lang at di naman niya narinig dahil medyo malayo ito. Pinagpangako ko nalang ito na wag mabanggit ang nakita nito kahit kanino.
Ngayon andito ako habang nakahilata sa sofa ng apartment at nakatunganga. Gusto kong may gawin pero alam mo yun...tamad na tamad akong gawin. Kapag di mo pa naramdaman to, e di ikaw na! Sipag mo!
I chuckled with my own silly thoughts. Tsaka ako napasimangot nang marealize na para akong baliw.
Naghikab ako at nagkamot ng ulo at napansing medyo oily na ang buhok ko. Ni pagligo at pagtooth brush nga ay kinatamaran ko na rin.
Di ko pinapansin ang cellphone kong tunog ng tunog nasa malayo itong lugar at nasa pinakamahina na volme.
Si Andrei lang iyon. Iniba ko ang ringtone para sa kanya.
Ewan ko ba kung ano na namang plano ng isang yan dahil nagtext ba namang miss na niya ako. Saying, he wants to talk to me. Paulit-ulit.
Anong akala niya sa akin tanga?
Kahit mahal ko pa siya di na ako magpapa uto sa kanya.
Kahit sabihin niyang mahal ka niya talaga?
I felt something weird in my stomach.
Hindi! Hindi talaga!!!
I sighed. Gutom lang to...Pupunta palang sana kaong kitchen para kumuha ng Lays ay may kumatok sa pinto.
Wala naman akong inaasahang bisita a?
Di na ako sumilip sa peephole at basta nalang binuksan ang pinto. I know that is a dumb thing to do. 'Wag niyong gayahin.
I was shocked to see delivery man and delivery girl standing there.
What shocked me the most is that they are both holding two boquets of flowers.
"Delivery for Miss riema Rose Rodriguez." Magkasabay pa na sambit ng mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa isa't isa.
Oooh. I am smelling something budding...LOL, mukhang magka-age ang dalawa. I wanna play matchmaker pero tinatamad ako...hoho.
Nang tanggapin ko ang mga bulaklak ay pumasok na ako at nilapag ang mga ito sa mesa.
Alam ko kung sino ang nagpapadala ng red roses pero sino ang magpapadala sa akin ng pink tulips?
Ang may alam lang na paborito ko yun ay si Ryael. Siya ba ang nagpadala?
Napailing nalang ako at iwinaksi ang ideyang iyon. Bakit naman biglang mgapapadala si Ryael ng bulaklak sa akin?
Ni wala na nga akong balita sa kanya mula nung iwan niya ako.
Ano na kayang nangyari sa kanya? Bakit ba niya ako iniwan? Ni wala akong natanggap na eksplanasyon mula sa pamilya nito.May kinalaman ba ang kapatid ni Andrei sa di pagsipot ni Ryael sa kasal namin? Kung iyon man yun ay bakit di man lang nasabi sa akin ni Ryael ang problema niya kung sana ay sinabi niya lang...
Napatitig ako sa mga tulips at napangiti ng malungkot. Kung natuloy sana ang kasal namin ay pitong buwan na kaming mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Heart break Journal: Indelible Love
RomanceThe story of a girl with most downfalls. Meet Riema Rose Rodriguez. She is a girl with trust issues. Sino nga ba ang hindi?, kung palagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Para sa kanya ay wala na talagang forever. Pero paano kung may dumating na...