November 16, 2017
"Mahigit two months na kayong break ni Andre ah. Anong plano mo?" tanong ni Cecilia na nakatanghod sa akin habang kumakain ako ng cookies.
Pagkarinig sa pangalan nito ay kumirot ang puso ko pero di ko nalang pinahalata.
Inirapan ko ito. "Don't say bad words Cessy! My God nanahimik ako dito ako pagtritripan mo diyan. Ipagpatuloy mo nalang ang pangungulit kay Joy!" Asik ko dito.
Natawa ito. "Oh well, sige na nga kasi halata pa namang di ka pa naka-move on." Nakangising wika nito sabay inom sa oreo frappe nito.
Sa sinabi nito ay nagtawanan naman sina Joy at Ydline.
Buti nalang wala si Yrma dahil may special class ito, kung hindi ay mas malala pa ang sasabihin nito."Whatever. Nagmomove on na nga di ba? Wag mo na kasing sabihin yang pangalan na yan nakakairita." Sabi ko.
Tumawa ulit ito.
"Bitter." Sabi kasi ng dalawa at sabay pa ang mga ito.
Napailing nalang ako at ibinaling ang atensyon sa pagkain ng cheesecake.
"Uy di siya tumanggi." Sabi ni Ydline.
"Duh. Kahit itanggi ko pa yan sasabihin niyo din naman na indenial or what and then hahaba lang ang usapan." Sabi ko ng mahinahon pero nakatingin ng masama sa kaniya.
Nagkibit-balikat ito. "Malay mo naman di ba, maniwala kami." Sagot nito.
I groaned in disapproval.
"Okay next topic nalang tayo." Natatawang sabi naman ni Joy.
"Ay musta yung mowdel na fafalicious na katrabaho mo ngayon para sa bench?" excited na tanong ni Cecilia dito.
I can even see a wicked glint in her eyes. Napangisi na rin ako dahil alam kong aasarin lang nito si Joy.
Napatingin ako kay Joy ng magsalita ito. "Malay ko dun. Di kami close." Sagot nito bago kumain ng malaking tipak ng chocolate cake nito.
"Huh. Di pa kayo close kahit one week na kayong magkasama? Di ba pag ganon close mo na yung model para di kayo magkailangan sabi mo." Kunwari ay nagtatakang tanong pa ni Cecilia.
Di ito sumagot at nagkibit balikat sabay turo sa bunganga nitong puno ng chocolate cake.
I rolled my eyes halatang iniiwasan lang nito na sumagot but I understand her dahil mahirap ang gisahin sa usapan.
But because I'm so good like her... "Baka naman may something kaya di pa sila close. Aba syempre kung crush mo nga naman yung tao nakakahiyang lapitan, di ba?" tanong ko sa kanya at ngumiti ng inosente.
Nabulanan naman si Joy at agad kinuha ang lemonade nito at inisang lagok iyon pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Hoy di ko crush ang pangit na yun ha!"
"Yeah yeah and pigs can fly..." pakantang tukso dito ni Cecilia.
Joy grunted, obviously annoyed. Her beautiful face scrunched in disgust.
But I know better. I saw her blush.
I laughed internally, enjoying the fact that she was given her own medicine but not just from me.
Still with a grim face she pointed at Ydline who was laughing quietly with Cecilia.
"O bakit?" tumatawang tanong ni Ydline dito na pilit ginagawang inosente ang mga mata at mukha.
BINABASA MO ANG
Heart break Journal: Indelible Love
RomansThe story of a girl with most downfalls. Meet Riema Rose Rodriguez. She is a girl with trust issues. Sino nga ba ang hindi?, kung palagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Para sa kanya ay wala na talagang forever. Pero paano kung may dumating na...