Journal Page 2

58 5 3
                                    

Entry 2

Bakit?

Yan ang tanong na maraming sagot pero sa lagay ko ngayon ay tila wala naman akong mahagilap na tamang sagot.

Am I even making sense?

It's just that my heart is breaking, can you hear it? maybe you can't... and maybe you don't care either...

Kung ano man ang rason mo sa pag iwan sa akin... I can't just find it acceptable enough for you to break me like this... to the point that I just wanna die 'cause the pain is too much.

Napapikit ako habang pinipigilan ang mga hikbi na lumabas sa bibig ko.

Napasabunot sa buhok kong kanina pa magulo. Madungis na rin ang wedding gown ko pero wala akong pakialam. Kanina pa ako nakaupo sa sementeryo. Nakaalis na rin ang mga tao.

I was just numb from the pain earlier kaya ako nagsulat...And then it came down on me like a tidal wave again and again. And right now I can't face anyone...
I can't talk to anyone...

Ang sakit sakit...

The realization that he is gone just crushed my heart and left me beaten up and bruised.

Three hours ago

"Anong nangyayari sa labas? May problema ba?" nakakunot noong tanong ko kay Ydline. Siya kasi ang kasama ko sa loob ng wedding car habang naghihintay na magsimula ang kasal ko. Napangiti ulit ako sa isiping nasa loob na ang mahal ko at hinihintay ako.

"Aba malay ko girl. Kita mong nasa loob tayo pareho eh." Puno ng sarkasmo na sagot nito sa akin with matching eyeroll pa.

"Bitcherella. Nagtatanong lang! malay mo naman may katxt ka sa mga baliw na nasa labas." Sabi ko habang pinandidilatan ito. Diyos ko pinagana pa ang pagkamaldita sa araw ng kasal ko.

Ako ang bride kaya dapat ako ang bida.

"Okay okay. Relax. Eto na itetext ko na si Cecilia." Sabi nito sabay kuha sa Iphone nito sa Channel nitong purse.

Lalo akong nag-alala ng makita ang daddy ni Ryael na tila galit habang may kausap sa cellphone.

Ano na bang nagyayari? May nangyari bang masama kay Ryael?

Napalunok ako dahil parang nanuyo ang lalamunan ko at tila nanlamig at sumama ang pakiramdam ko.

Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa nangyayari?

Hindi naman siguro, di ba?

"Anong sabi?" baling ko kay Ydline na prenteng nakasandal sa shotgun seat.

"Wala pa. Atat much." Sagot nito ng hindi lumilingon sa akin at patuloy pa ding naglalaro sa ipad nito.

Napailing nalang ako at pinilit magrelax.
I counted 1-10 and then nang di effective ay pabaliktad naman.

Hindi pa man nakakatatlong segundo ng kumalma ako ay nakita ko ang mommy na umiiyak at si daddy na tila sasabog na sa galit.

Bakit parang iba ang kutob ko...

Naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko.

I inhaled deeply while clutching my bouquet on my lap, like I am drawing strength from it.

Pero hindi sapat. Gusto kong lumabas...

Kinalabit ko si Ydline, I can't stop worrying...

"Tawagan mo na kaya..." Aangal pa sana ito ng makita nitong nagpapanic na ako. "Please." Naiiyak na sabi ko. Sana mali ang hinala ko. Hindi naman siguro niya gagawin ito sa akin.

Heart break Journal: Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon