"I'm inlove with the shape of you...
We push and pull like a magnet too..."
I hummed the rest of the song as I drive along the road.
Hay... I'm feeling so inlove.
Impit na napatili ako nang maalala ang nangyari kanina.
Nang mag red ang traffic light ay nakangiti na sinabayan ko ng sayaw ang Shape of you ni Ed Sheeran.
I feel so light and happy. Iba na talaga kapag inlove...
Natatawang napatingin ako sa rearview mirror ko nang makarinig ng mga busina.
Oh well, di talaga makapaghintay ang mga motorista dito sa Pinas. Kung anong ikinait ng ulo nila ay siyang kinaganda ng mood ko.
So kiber nalang, deadma nalang ang beauty ko sa mga busina nila at mga mura.
Nang mag-green ang traffic light ay pinaandar ko na agad ang sasakyan at muntik ko nang matapakan ang preno nang pumailanlang ang malakas na tugtog mula sa cellphone ko.
Ni loudspeaker ko iyon matapos kong pahinaan ang volume ng stereo ko.
"Hello!" pagalit na bungad ko sa caller.
"Ay! Galit siya." Sabi sa kabilang linya na walang iba kundi si Rym.
"Tsk. Paano naman muntik na akong mabangga nang tumunog ang cellphone ko." Naiinis na sabi ko sa kanya.
"So kasalanan ko pa ba iyon?" nang-aasar na tanong nito.
"Ano pa nga ba?" asar na balik tanong ko.
"Halla siya. Paano kaya naging kasalanan ni Rym eh kung medyo shunga lang yung may ari ng phone." Singit naman ng isang boses na si Joy.
"At naging shunga pa ako." Sabi ko nalang at umirap.
"Oo no. Kami ba naglagay sa malakas naringtone setting ang cellphone mo?" tanong ni Joy.
"Hindi." Sagot ko.
"Sino di ba ikaw?" tanong naman ni Rym.
I know where this is going...
"Oo.. pero—"
"O di syempre ikaw ang nagset ng malakas, kasalanan ba ng phone o ng caller na nagulat ka sa ring nito?"
"Duh.."
"Syempre hindi!" sabay pa na singit ng mga ito.
"Okay okay okay...stop it! Gosh nakakairita kayo." Pagsuko ko nalang sa kanila. Alam ko namang wala akong laban sa mga ito.
"So..." sabi ni Joy.
"Anong so?" nagtatakang tanong ko.
"hay buhay. Shunga naman." Narinig kong sabi ni Ydline. I can only imagine na umirap na iyon.
Kasalanan ko bang ayaw ko pang bumaba mula sa cloud nine?
"Kamusta? Nahuli mo ba?" tanong naman ng isang panibagong boses na mukhang inip na inip. Si Cecilia yun, I bet.
"Umiyak ka ba?" tanong naman ni ydline na nandoon din pala.
"Sinampal mo ba yung girl? O parehas sila?" sunod na tanong naman ni Yrma.
"Dapat sinipa mo o sinuntok..."
"Hep!" medyo pasigaw kong awat sa kanila. Paano ko naman masasagot ang mga tanong nila edi na ata sila naubusan ng sasabihin.
BINABASA MO ANG
Heart break Journal: Indelible Love
RomanceThe story of a girl with most downfalls. Meet Riema Rose Rodriguez. She is a girl with trust issues. Sino nga ba ang hindi?, kung palagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Para sa kanya ay wala na talagang forever. Pero paano kung may dumating na...