Journal Page 22

27 1 0
                                    

"So magtitigan nalang tayo dito!" inis na sabi ko kay Ryael habang nakaupo kami sa sofa niya sa condo unit niya.

Yeah, pinunta niya ako sa condo niya. Tatlumpong minuto na kaming nakaupo dito sa sala niya at wala namang nagsasalita sa amin. Napanis na nga ang laway ko ata e.

Ngumisi ito. "Well, I know something na pwede nating gawin." Sabi nito na itinataas baba pa ang kilay nito.

Namula ang pisngi ko sa ibig nitong sabihin, tumawa naman ito ng malakas sa reaksyon ko. Inis na binato ng throw pillow na nakapatong sa hita ko.

"I'm serious here Ryael! Bridal shower dapat ngayon ni Joy at nagbobonding dapat kami pero andito ako kasama ang isang panget na unggoy habang napapanis ang laway ko at nabuburyong na!"  Paninigaw ko dito.

Sumeryoso ang itsura nito pero may nakikita pa rin akong pilyong kislap sa mga mata nito.

My God! Kelan ba ito magbabago!

"I'm serious too. We can divert your boredom into something exciting and fun." Sabi nito.

Inirapan ko ito. "Tumigil ka sa kapilyuhan mo ha! Di nakakatuwa! And remember, we are not okay. I'm still angry at you baka akala mo diyan..." sabi ko tsaka ito sinimangutan. Nakita ko itong natigilan saglit pero ngumiti pa rin.

"I promise you nakakatuwa tong gagawin natin! Tsaka di ka na pwedeng bumalik dun dahil siguradong hinila na pauwi ng fiancée niya si Joy at ganun na rin ang boyfriend ni Cecilia." Sabi nito na nakangiti.

Inirapan ko lang ito ulit at iniwas ang tingin dito.

Naramdaman kong lumundo ang tabi kong sofa kaya napalingon ako para lang magulat nang makitang ang lapit lapit ng mukha nito sa akin.

Nakangisi ito at ang mga mata nito ay punung puno ng kapilyuhan.

Umusod ako palayo dito pero lumapit lang ito ulit sa akin. Uusod pa sana ako palayong maramdaman ko ang armrest ng sofa.

Lumawak ang pagkakangisi nito at lumapit sa akin. As in sobrang lapit na feeling ko gusto niyang magkapalit ang mga mukha naming dalawa.

"Lumayo ka nga-"

"Sige na kasi, gawin na natin yung gusto ko...I'm sure magugustuhan mo din to, baka mas mag-enjoy ka pa kesa sa akin." Bulong nito tsaka ako kinindatan.

Feeling ko ay uminit pa lalo ang mukha ko kesa kanina at may nagrambulan sa nervous system ko.

Nanatili akong nakamaang dito at nakatitig sa mga mata nitong matiim ang tingin sa akin. Tila gusto akong lunurin sa mga emosyong nakikita ko rito.

The playful aura a while ago was gone and it was replaced by something intense...I can see it in his eyes.

I felt lightheaded and the tingles on my skin became more prominent as his minty and hot breath fan my face.

I saw how his eyes dropped on my lips and I saw longing in his eyes...for a moment, I thought he's gonna kiss me.

Napakurap ako nang lumayo ito.

Inilahad pa nito ang kamay nito sa harap ko at nginitian ako. "Let's bake." Wika nito.

"Ha?" wala pa sa huwisyong tanong ko dito.

He chuckled which made him look so boyish and handsome---oh my G! what is wrong with me?!

"Tara na gawin ang gusto ko kako...ang mag-bake ng cookies kasama ka." Sabi nito habang nakangiti ng makahulugan sa akin.

Heart break Journal: Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon