"Anong ginagawa mo dito?!" unang lumabas sa bibig ko nang batiin ako nito ng magandang umaga. Yep, definitely not a smart thing to say or ask.
Kumunot ang noo ni Ryael at tumayo mula sa pagkakahiga nito.
My cheeks heated when I saw his abs and naked torso.
Humakbang ako papalayo dito dahil masyado kaming malapit sa isa't isa at dapat ay galit ako sa kanya.
"Well, this is my house." Sagot nito bago lumakad at kumuha ng t-shirt sa isang cabinet.
Kumunot din ang noo ko bago ko pinulot ang bag ko sa sahig at pagtayo ko ay wala na ito sa kwarto.
I blinked and that's when reality starts to dawn on me.
It felt like a hand is inside my chest and is gripping my heart.
The past came rushing into my memory and the pain felt raw. Bigla ay nawala ang panimulang pagkagulat ko sa pagkikita namin at napalitan ng masakit na ala ala at ang galit at pait na itinago at pilit kong kinalilimutan hanggang ngayon.
Pero bakit?
Bakit tila wala man lang itong tensyon sa pagitan namin?
So, magkukunwari itong ayos lang ang lahat at walang nangyari sa amin noon?
Binabalewala niya ba ang nangyari noon? Ganoon nalang iyon?
I felt the familiar pain jabbing inside me just like how I felt when I was crying in the aisle of the church. Maybe I am not that important to him for him to bear some guilt or pain.
I stopped myself from crying at padabog na hinananap ito.
I directed my pain into anger.
Nahanap ko ito sa kusina.
"Anong ginagawa ko dito kasama mo?" mababa ngunit mariin na tanong ko sa lalaking nakatalikod.
Hinarap ako nito at ngumiti sa akin. The same smile that made me swoon when we were a couple.
The nerve of this man to smile! Nagtagis ang mga bagang ko sa pinapakita nito. Gusto kong masuka.
"Nakipagsayaw ka sa akin sa bar and you practically begged me to take you home." Sagot nito.
Napaawang ang aking bibig sa sinabi nito. I saw him smirk at me.
Now I can feel my anger boiling for this douche.
"Wow." Sabi ko bago inihagis dito ang hawak kong bag.
"Just wow! Bwisit kang lalaki ka!!! I practically begged you to take me home, huh!" galit na sigaw ko dito bago lumapit dito ng dahan dahan at dinuro ito.
I can see that he seemed sorry for what he said pero wala akong pakialam sa nararamdaman nito.
I am so furious with him! I just wanna kill him!
"You of all people! You are the last one I'll beg to and you know the reason why." Sigaw ko.
Nagbago ang emosyon sa mukha nito at naging blanko.
"O nalimutan mo na?" nang-uuyam na tanong ko sa kanya. I bit my lips when I fel the tears in my cheeks.
Hinanap ko ang rekognisyon sa mga mata nito, ang sakit o ang pagsisisi o hiya man lang ngunit wala.
"Oh, maybe you don't know me." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata nito.
"I know you RieRie." Sagot nito lumambot ang ekspresyon nito.
BINABASA MO ANG
Heart break Journal: Indelible Love
RomanceThe story of a girl with most downfalls. Meet Riema Rose Rodriguez. She is a girl with trust issues. Sino nga ba ang hindi?, kung palagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Para sa kanya ay wala na talagang forever. Pero paano kung may dumating na...