I can smell alcohol and antiseptic around me. Huh...weird. Kailan pa naging ganito amoy ng kwarto ko?
Nasaan ako?
I moved my body to the side and that's when I felt the stinging pain on my head. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng puting kisame. Pumikit ulit ako dahil nasilaw ako sa ilaw.
Binuksan ko ulit ang mga mata ko at ikinurap kurap para makapag-adjust sa liwanag.
Lumingon ako sa gilid ko and saw someone sleeping.
Niyugyog ko ang balikat nito para magising ito. What am I doing in a hospital?
Nag-angat naman ng tingin si Joy. Pagkatapos ng ilang Segundo ay lumaki ang mga mata nito.
"Gising ka na!" pumiyok na bulalas nito.
Kung hindi lang ako nalilito ay tinawanan ko na ito.
"Ahuh..."
"Bakit ba nasa...."
"Oh my god! May amnesia na siya!" sigaw naman ni Ydline na hindi ko napansin na nandoon pala kasama sina Rym at yrma.
"ANG OA!" Sita naman ni Yrma.
Sinimangutan ito ni Ydline na lumapit na sa akin.
"Wala kang maalala?"tanong nito.
"I can remember you guys..." sabi ko dito.
"I can hear a but." Sabi naman ni Joy.
"But I can't remember why I'm here? Ah.."
"Selective amnesia!!!! Humaygash!" Bulalas naman ni Rym."Shhh!" saway dito ni Cecilia na galling sa pinto. "Tinawag ko na ang doctor, kumalma nga kayo."
Ilang saglit pa ay sumunod nga ang nakaputing lalaki na gwapo sa likod nito.
Anghel?
"Hoy! Matunaw!" saway ni Cecilia.
Napatingin ako dito at di pala ako ang sinusuway niya kundi sina Ydline na nakanganga pa sa kapapasok na doctor.
"I am Dr. Dexter Angelo Greene, How are you feeling Ms. Rodriguez?"
"Masakit ang ulo ko." Sagot ko.
"Doc may amnesia po ata ang kaibigan ko." Sabad naman ni Ydline na parang nagpapacute pa sa doctor.
Kumunot naman ang noo ni doc at tinignan ako ng mabuti.
Naconscious naman ako bigla...teka may muta pa ata ako.
"You have a small bump in you head dahil sa pagkakatama mo sa sahig." Sabi nito.
Teka...bakit nga ba ako hinimatay?
"Why am I here?" tanong ko kay Cecilia na napaka unusual ang katahimikan.
"Nahimatay ka." Sagot nito at lalo akong nagtaka ng kunuyom ang mga palag niya at tila kinakalma ang sarili.
"Bakit?"
"You can't remember Ms. Rodriguez?" tanong ng gwapong doctor.
Umiling ako.
"Maybe you are in a shock right now. According to your result ay okay naman ang brain activity mo. Wala ring blod clott, so I say this is all psychological." Sabi nito.
Napatango ako.
"Nababaliw ka lang friend ganun?" tanong naman ni Rym.
"Gaga." Sabi ko nalang.
"I suggest plenty of rest and fluids intake. Yun lang naman, babalik nalang ako after two hours to check you up." Sabi nito bago umalis.
Nang makaalis ito ay hinarap ko ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Heart break Journal: Indelible Love
RomanceThe story of a girl with most downfalls. Meet Riema Rose Rodriguez. She is a girl with trust issues. Sino nga ba ang hindi?, kung palagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Para sa kanya ay wala na talagang forever. Pero paano kung may dumating na...