Journal page 4

36 5 4
                                    


"Rebound. Yan ang tawag diyan." Sabi ni Joy habang nakapangalumbaba sa mesa at nakatingin ng diretso sa akin.

Ang nakakaasar ay ang mga labi nitong nakangisi.

Inirapan ko siya at tinitigan ng masama.

"Hindi no." tanggi ko. Hindi nga ba? Kontra naman ng isang bahagi ng utak ko.
Paano ba malalaman kung rebound lang pala ang turing ko sa kanya?

"Weh?" tukso ni Rym at nainis ako sa itsura nitong tila di kapanipaniwala ang sinabi ko.

"Nakailang 'dates' na ba kayo ng Andrei na yan?" tanong naman ni Cecilia na akala ko ay 'di nakikinig dahil nakatutok sa binabasa nitong libro.

Mapagpanggap!

Hmp! Hay! Dapat di ko nalang sinabi to. Tsk.

"Ano na?" Sobrang dami ba at di mo mabilang?" Naiinip na tanong ni Rym.

"Ahm... Apat? Lima kung isasali yung unang pagkikita namin." Sagot ko nalang.

"Aba marami na pala and yet ngayon mo lang in-open sa amin." Komento naman ni Yrma na nakataas ang kilay.

Nagmamaldita na naman ang isang 'to. Naku naman!

"Kasi nga I'm not yet sure kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya!" bulalas ko. Natigilan ako at napaisip sa sinabi ko. Really? Kung bakit kasi napakapikon ko din.

"Ayun!" hiyaw ni Ydline. Napatingin tuloy ang ibang customer ng Café Isabelle sa amin.

"Better lower down your voice bal! Nakakaloka ka!" Nakatakip ang mukha na wika naman ni Yrma.

Di naman nito pinansin iyon at nakataas na rin ang kilay nitong nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

"E di lumabas na rin ang totoo... You are not yet sure pero nakikipaglandian ka na sa kanya. Paano naman kung umasa yung tao?"

Napangiwi ako. Yeah, I know that. Sasagot na sana ako ng naunahan ako ni Yrma.

"True! Baka naman you are just using him to be your escape from the pain that Ryael gave. Pag-isipan mong mabuti!" pinandidilatan niya ako habang sinasabi iyon.

Napaisip ako sa sinabi nito. Am I? Ganun ba yun kaya ako patuloy pa rin na nakikipag-kita sa kanya?

May sasabihin sana ako ng biglang sumabat naman si Rym.

"Give her the benefit of the doubt guys. Malay niyo naman talagang nafafall na siya pero di lang niya makita 'coz she's still blinded by her anger or pain. Syempre mahirap naman talagang pumasok sa isang relasyon ng hindi pa niya alam kung ano talaga ang nararamdaman niya."

Kita mo 'to. Balimbing din eh.
I stopped myself from rolling my eyes.

Teka nga! Di na ako nakasagot ha. Ako ang topic pero parang wala ako dito.

"Yup. Sa tingin ko naman ay willing maghintay itong si Andrei base sa kwento ni Rie. It's not like pinapaasa niya yung guy." Sabi naman ni Joy habang tumatango tango.

"Pfft. Anong hindi...syempre hindi sasabihin nung lalaki na nag-aassume siya pero deep inside nag-aassume na yan." Sabi naman ni Cecilia na nakatingin na sa amin at tila nabuhay sa pagdedebate nila.

NILA kasi hindi ako makasingit.

I grabbed my latte and sat comfortably in the lush and cozy sofa of the café.

Napailing nalang ako sa nangyayari. I'm here to get an advice but instead I got a debate.

These are my friends...aren't they great?...not.

Heart break Journal: Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon