Fifth Stanza
MIA MILLS
"When it's all said and done, you can walk instead of run."
- Lady Antebellum, Compass
Smile, Mia. Smile. You can do this. Smile.
Huminga ako nang malalim and I raised my hand para kumatok sa pintuan ng recording room pero hindi ko magawa.
Kabadong kabado ako. Para akong pinanlalambutan ng tuhod.
Ano pang mukha ang maihaharap ko kay Sir Ayen? After niyang sabihin sa akin na hindi niya maramdaman ang passion ko, paano ko pa magagawang pumasok sa loob ng recording room na 'yan lalo na't alam kong eto na naman, kakanta na naman ako sa harapan niya at puro masasakit na salita na naman ang maririnig ko mula sa kanya.
Napa-hinga ulit ako nang malalim.
Gusto kong sumuko. Sobrang na-t-tempt na ako. Gusto ko nang bumalik sa States. Gusto ko nang paniwalaan ang sinasabi nila na wala akong future dito.
Pero hindi ko kaya.
Kada naiisip ko na titigil na ako, pakiramdam ko ikamamatay ko. Nawala na sa akin si Sam. Hindi ko kakayanin kung pati itong musika ko ay mawawala pa sa akin.
Bahala na.
Si Sir Ayen—dati ang taas ng respeto at pag-hanga ko sa kanya. Pero dahil sa mga sinabi at ipinaramdam niya sa akin, I now treat him as my enemy.
Akala niya ganun niya ako kadali mapapatumba?
Hindi.
Akala niya titigil ako sa pagkanta dahil sa kanya?
Mukha niya!
So what kung di niya maramdaman passion ko?
Hindi ko kasalanan na ipinaglihi siya sa anesthesia ng nanay niya kaya ganyan siya kamanhid!
Kala mo kung sino siya! Diyos ba siya para husgahan ako ha?! Supla-suplado pa niya. Feeling niya kung sino siyang gwapo! Hindi naman siya kagwapuhan. Mas pogi kaya sa kanya si Ice at Jasper! Feeling ko kung itinuloy niya ang pagtugtog kasama ng EndMira siya ang may pinaka-onting fans kasi di naman siya kagwapuhan!!
Biglang bumukas ang pinto ng recording room at biglang bumungad sa akin ang mukha ni Sir Ayen. Naka-eyeglass siya ngayon. Nakaitim na shirt. Dark blue na jacket. Messy hair...
Shit ang pogi niya today.
Arrghhh!! Ano ba, Mia! Ano ba!
Tinaasan ako ng kilay ni Sir Ayen. Nginitian ko siya. Yung malawak na ngiti.
"Hi sir! Good afternoon!" masigla kong bati at pumasok ako sa loob ng recording room.
Isinara niya ang pinto at sumunod sa akin sa loob habang naka-kunot ang noo niya sa akin.
Bakit kahit naka-kunot ang noo niya, ang pogi pa rin niya?
Ano ba, Mia! Stop it! Stop those inappropriate thoughts!
BINABASA MO ANG
Broken Melody (EndMira: Ayen)
RomanceMia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start to create a broken melody.