Fifteenth Stanza

194K 8.2K 1.1K
                                    


Fifteenth Stanza

MIA MILLS

"One day I'll forget about you. You'll see I won't even miss you. Someday...someday."

- Nina, Someday


"Nakakatawa si Mia. Pumiyok siya habang kumakanta. Sabi na dapat si Stacey na lang yung pinakanta nung convocation natin, eh!"

"Hindi naman magaling si Mia, nadaan lang sa pa-sweet. Mas magaling pa rin si Faye kesa sa kanya."

"Mia, I told you, stop this non sense! You are telling me you're giving up college to pursue singing? Are you out of your mind?! You don't have any future in that field!"

"Lagi kang kinabahan kapag kumakanta ka. Lagi kang natatakot. Nahihila mo pababa ang banda..."

Napatakip ako ng tenga.

Ang daming boses. Napakaraming boses. Hindi ko na marinig ang sarili ko. Gusto kong magtago sa isang tahimik na lugar pero alam kong kahit gaano pa katahimik ang lugar na puntahan ko, patuloy ko pa rin maririnig ang mga boses na yun.

They are all inside my head.

Nung highschool ako, kumanta ako sa isang event sa school namin. Nagkamali ako sa harap ng maraming tao nun at pinagtawanan nila ako. After that, hindi na nakalimutan ng mga ka-schoolmates ko ang nangyari. Lagi nilang inaasar sa akin yun. Paulit ulit pinapaalala ang most embarrassing moment ko. At nakakatawa? Kada kakanta ako, they are all expecting na magkamali ako.

Doon ko unang nakuha ang stage fright ko. Dahil sa nangyaring yun, lagi akong kabado mag perform dahil baka magkamali ako. At sa sobrang kaba ko, nagkakamali nga ako.

After ko mag highschool, lumipad ako sa States kasama ni mommy para doon na tumira with my dad. Akala ko pagdating ko doon, ma-c-cure ko na ang stage fright ko. Bagong lugar, eh. Walang nakakakilala sa akin. Hindi nila alam ang history ko.

But I was wrong.

Kapag pala naging traumatic sa'yo ang isang bagay, wala ka nang takas dito. Kahit saan ka magpunta, dala dala mo pa rin ang experience na yun.

Umabot sa punto na halos hindi ako makahawak ng mic at ayoko nang kumanta. But then I met Sam. Siya ang nag push ulit sa akin para gawin ang bagay na mahal ko. Lagi siyang nakaalalay sa akin. Sinusuportahan niya ako. Nawawala ang kaba ko kapag kumakanta ako sa stage kasama siya dahil sa kanya lang ako nakatingin. At dahil doon, mas minahal ko ang musika. Alam kong wala na akong ibang gustong gawin kundi ang tumugtog.

Sinabi ko sa daddy ko yung bagay na yun.

Pero ang nakakalungkot? Kahit siya mismo ay naniniwala na hindi ako mag s-succeed dito.

I hate my dad for that. Ipinipilit niya sa akin ang pangarap niya pero hindi niya pinagbibigyan ang pangarap ko.

Pero ngayon naisip ko, what if tama talaga siya? What if wala naman talaga akong future sa pagkanta?

What if ang pinakamagandang gawin ngayon ay sumuko na lang at umuwi?

"Mia?"

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at inangat ko ang tingin ko.

I was expecting Sir Ayen pero nagulat ako nang makita ko na si Sam ang nasa harapan ko.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon