Ninth Stanza
JARREN REYES.
"Umaasa na sana, pagkagising ko sa umaga ay nalimutan na kita."
- Endless Miracle, Hanggang Kelan Pa
I should stop judging Mia Mills.
When I judged her about her passion, she spits fire on me.
When I judged her that she looks someone who could hold her liquor, she passed out on me.
Napa-buntong hininga na lang ako habang nakatingin sa babaeng nasa passenger seat ko at mahimbing na natutulog. Naghihilik pa siya.
Napa-iling na lang ako.
Bago ko siya ma-isakay sa kotse ko, naka-ilang beses siyang sumuka. Sa awa ng Diyos, hindi pa niya sinusukahan itong kotse ko. Maawa siya. Bulok na nga, susukahan pa niya.
Pero buti na lang at sa Antipolo lang din ang bahay ni lola. Kesa dalhin ko si Mia sa HQ, naisipan kong dito na lang. Mahirap na, puro lalaki ang nasa HQ. Sino na lang ang magpapalit sa kanya ng damit doon? Alam kong mag v-volunteer si Jasper Yu, pero hindi ko pinagkakatiwalaan ang isang yun.
Wag lang sanang atakihin sa puso si Lola kapag nakita niyang nag-uwi ako ng babaeng lasing sa amin.
"Mahabaging-langit! Sino yan, Ayen?!" gulat na sabi ni lola nang makita niyang buhat buhat ko si Mia habang papasok ng bahay namin.
"La, kaibigan ko po. Nalasing kaya dinala ko po muna dito."
"Hala eh hindi ba yan hahanapin sa kanila?"
"Pareho pong nasa ibang bansa ang magulang niya, la."
"Eh naku ba't naman kasi kayo nag inom!"
"La patulong naman po na palitan siya ng damit. Nasukahan niya damit niya, eh," sabi ko habang inilalapag ko si Mia sa kama ko.
"Sige ako na ang bahala rito. Kumuha ka ng damit ng ate Jona mo. Kunin mo rin yung maliit na planggana at lagyan mo ng tubig pati bimpo.
Sinunod ko ang utos ni lola at hinayaan kong siya ang umasikaso kay Mia.
Ako naman, naisipan kong mag shower muna saglit. Hindi naman ako nalasing dahil o-onti lang ang nainom ko pero ramdam ko pa rin ang pagka tipsy.
Nang makalabas ako sa banyo, nakita ko si lola na palabas na rin ng kwarto ko.
"Salamat po, la."
"Oh ikaw, saan ka matutulog?" tanong niya.
"Dito po sa sala."
"Mabuti naman. Mamaya kung ano pang mangyari pag tinabihan mo siya. Tama na ang dalawang bata dito sa bahay. Tsaka ka na."
Napatawa ako nang bahagya, "la naman, kaibigan ko lang po yan si Mia. Tsaka naku, matagal pa po kayong magkaka-apo sa akin."
Napa-ngiti na rin si lola dahil sa sinabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Mabuti yan, pero wag naman masyadong matagal para malagaan ko pa sila, ha?"
Niyakap ko siya, "la naman."
"Maganda yung kaibigan mo. May lahi ba yun?"
"Opo la. Sa pagkakaalam ko, Fil-Am si Mia."
"Ohh," nakita ko nag ningning ang mga mata ni lola at parang alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya. Napatawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Broken Melody (EndMira: Ayen)
RomanceMia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start to create a broken melody.