Fourteenth Stanza

223K 8K 2.6K
                                    


 Fourteenth Stanza

MIA MILLS.

"Nobody said it was easy. No one ever said it would be this hard."

- Coldplay, The Scientist

"Ayan, you're so maganda na!" sabi sa akin ni Sammie matapos niya akong ayusan.

"Thank you, Sammie. Sorry ah? Sa'yo pa talaga ako nagpaayos."

"Keribells lang, 'nu ka ba! For sure kapag sumikat ka na and you finally have your own make-up artist, itchepwera na ang talent ko sa pag m-make up."

"Loka. Pag nangyari yun, 'di mo na rin ako maayusan kasi masyado ka nang busy sa dami ng mga photoshoot mo. Baka nga artista ka na rin nun."

"Or beauty queen!"

Napatawa ako, "gusto ko 'yan!"

Nagtawanan kaming dalawa.

"Sorry Mia, ah? I can't go to your concert."

"Loka, hindi ko naman concert yun. Front act lang ako sa gig ng EndMira."

"But still! EndMira pa rin yun. For sure dagsa ang mga tao mamamay. Kaya ikaw, galingan mo, ah? Ask your baby Ayen to take a video of you para mapanuod kita!"

Napangiti ako, "magkaaway kami ngayon. Tsaka hindi ko siya baby. Magtigil ka nga."

"Ay sus, lovers quarrel ang peg. Pero sayang talaga. Kung 'di lang malaking opportunity itong pupuntahan kong shoot, sasamahan talaga kita. Crush ko pa naman yung cutie nilang gitarista. Si William?"

"Di bale, marami pang pagkakataon."

"Yeah, kaya galingan mo para isama ka ulit nila. Tsaka dapat bigay todo ka doon ah? Dapat performance level! Yung tipong front act ka lang pero ang performance mo pang grand concert na!"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Sammie.

Honestly speaking, kinakabahan ako ng sobra ngayon. Yung kaba na parang any minute, gusto ko nang mag back out. Pero dahil kay Sammie, medyo nawawala ang kaba ko.

Kaso paano na lang ako mamaya kapag wala siya?

Maya maya lang din ay nagpaalam na ako sa kanya. Talking to her calm my nerves pero ngayon na nasa byahe na ako papunta sa event's place, nanginginig na ang mga tuhod ko.

Isang high-end bar yung lugar. Puntahan ng mga elites. Usually na nag g-gig dito ay mga kilala ring mga banda.

Ibinaba ako ng cab sa entrance ng bar.

Nandito pa lang ako sa labas, grabe na agad ang kaba ko. Ni hindi ko makuhang maglakad papasok. Para bang na glue ang paa ko sa sahig.

Napapikit ako at parang nag flashback na naman ang mga nangyari sa akin noon sa States.

Gabi. Nagaway kami ni daddy kasi nagpaalam ako sa kanya na sasama na ako kay Sam sa Pinas. Naglasing ako. Puno ng alak at usok ang lugar. Nasa bar ako. I'm so wasted. I think someone slipped a drug on my drink. Pumunta ako sa kotse ko at nagmaneho pauwi. I lost control of the wheel. Bumangga ako sa puno. Nagising ako sa ospital. Sabi nila, I almost died that night. Sabi nila, nung kinuha nila ako sa koste ko, few inches away na lang from my throat yung isang matulis na sanga ng puno na pumasok sa loob ng kotse ko. Kung nagkataong tumusok sa akin yun, maaring patay na ako ngayon. Or kung hindi man, hindi na ako nakakapagsalita.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon