Twelfth Stanza

224K 7.9K 1.4K
                                    

Twelfth Stanza

MIA MILLS.

"I wish I had missed the first time that we kiss, 'cause you broke all your promises."

- Christina Perri, Jar of Hearts


My mom's a smart lady. Sabi nila, nagmana raw ako sa mommy ko.

Before we migrated to States, bago pa kami i-petition ni daddy, we live in a small house. Pero maliit man ang bahay namin, proud ako doon kasi sa sala namin, maraming naka-display na kumikinang na ginto.

What I mean is, mga gold medals and trophies na nakuha ni mommy nung nag-aaral pa siya. Ang ilan doon ay akin.

Sabi nila, I'm like my mom. Matalino at madiskarte sa buhay.

Pero bakit ganun? Right now, I feel like the stupidest person alive.

Nakaharap ako sa salamin ng kwarto ko. Ayos na ayos. I braided my hair kasi alam kong gustong gusto niya kapag yun ang ayos ko. I'm wearing the pink dress he bought for me as a birthday gift. I am even wearing his favorite brand of perfume.

Napapikit ako.

Makikipagkita ako kay Sam ngayon and yet, talagang gumising ako nang maaga para mag ayos. At talagang nagpaganda ako para sa kanya.

Ngayon, nasaan yung sinasabi nilang tulad ako ni mommy na matalino?

Wala ang talino kasi pag nagmahal ka, natatanga ka na lang talaga.

Kinuha ko yung isang malaking paperbag ng mga pasalubong na padala ni mommy para kay Sam. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at napabuntong-hininga na lang ako.

I'm thankful that Sammie is not here right now. For sure, tatanungin niya ako kung bakit ako ayos na ayos ngayon which is so unlikely of me. At pag nalaman niyang kay Sam ako makikipagkita, malamang sa malamang ay itatali niya ako sa kama para lang hindi ako makaalis ng apartment.

Sorry Sammie. I know I'm an idiot but I really want to see him.

Lumabas na ako ng apartment at nag cab na ako papunta sa mall.

Nagulat ako nang makarating ako doon sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Sam, nandoon na rin siya at inaantay ako.

I'm 30 minutes early and yet, nauna pa siya sa akin dito.

My heart skipped a beat. Parang nagwawala ang puso ko sa kaba. My knees wooble while I'm walking towards him.

Napalingon si Sam sa direction ko and then, our eyes meet. Parang kinuryente ang buo kong katawan. The same electrifying feeling that I felt nung unang beses ko siyang makita. Nung unang beses na magtama ang mga mata namin sa isang bar sa San Fransisco kung saan tumutugtog ang banda niya at nanunuod ako. The same feeling when he asked me to dance that night and I've never been happier in my life.

Three years, Sam. Three years. We had so much fun. We're so good together. Pero bakit ganito na ang scenario nating dalawa ngayon?

"Mia..."

Nginitian ko si Sam, "hi."

Napatingin ako sa kapeng iniinom niya. Hindi ito naka-papercup, instead, they served it in a mug. At doon sa caramel drizzle na nasa ibabaw nito, alam kong caramel latte yung iniinom niya.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon