Forty Fourth Stanza
JARREN REYES
"Paalam sa'ting huling sayaw. May dulo pala ang langit."
- Kamikazee, Huling Sayaw
Dama kong magulo ang kapaligiran. Maraming nagsasalita. Maraming mga yapak ng paa na parit-parito sa harapan ko. But all these sounds seemed distant. The only thing I can hear is my ringing hears and beating heart.
Ang hirap huminga. Malamig sa loob ng ospital na 'to pero pinagpapawisan pa rin ako nang malagkit.
Nandito ako sa labas ng laboratory kung saan nag r-run sila ng tests sa kamay ni Mia. Maya't maya, napapalingon ako sa pintuan ng lab, hinihintay ko na lumabas ang doctor at sabihin sa akin ang resulta.
Nakakabaliw ang tension at kabang nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak.
Naalala ko kanina, pandaliang nawalan ng malay si Mia. Nahilo siya dahil sa sobrang takot niya. At nang pagdilat niya at muli niyang naramdaman ang pananakit ng kamay niya, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Mula sa pagsakay namin sa bangka hanggang sa makarating kami dito sa ospital.
Wala siya ni isang sinabi sa akin, iyak lang siya nang iyak, pero naiitindihan ko ang matinding takot na nararamdaman niya.
Oo, maaring hindi naman maapektuhan ang pag kanta niya, pero maapektuhan nito ang pagiging musikero niya.
Katulad ng nangyari sa akin.
Ipinatong ko ang ulo ko sa aking mga palad at ipinikit ko ang aking mga mata. And then I whispered a silent prayer.
Panginoon, pakiusap, wag si Mia. Wag niyo po sanang hayaan na maranasan niya ang dinanas ko. Please.
Biglang bumukas ang pintuan ng laboratory at lumabas ang doctor na tumingin kay Mia.
Medyo maliit, she's on her mid 40's if I'm not mistaken, and she's wearing a round eyeglass.
Agad akong lumapit sa kanya.
"Doc, m-may result na po ba?"
Tinapik niya ako sa braso and she gave me a kind smile, "you don't need to worry, iho. She's fine. Namamaga lang yung kamay niya dahil ayun ang pinangtukod niya nung bumagsak siya, but's it's nothing."
"Sigurado po kayo diyan? Chineck niyo po ba maigi? Doc," tinuro ko ang loob ng lab, "yung babaeng nasa loob, she's a music artist. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa mga kamay niya. You how crucial it is for an artist right? Tumutugtog ng gitara at piano si Mia. Please, siguraduhin niyo pong maigi---"
"Iho, relax. I know what you're trying to say. You don' have to worry. We made sure na walang mali sa kanya. If hindi ka satisfied, pwede kayong magpa-second opinion. Pero wala kaming nakitang mali."
Tinignan ko si dokotora sa mata. I saw her sincerity sa mga salitang sinabi niya at parang bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa isang iglap, biglang nawala ang nakabara sa lalamunan ko at napa hinga na lang ako nang malalim.
"Salamat po," I told her na halos paiyak na ako.
Tinapik niya ako sa braso, "but I think it'll be best kung i-comfort mo muna siya. She's quite shaken with what had happened. Ramdam ko ang takot niya. I'm letting her stay inside for a while hanggang maging okay na siya."
BINABASA MO ANG
Broken Melody (EndMira: Ayen)
RomanceMia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start to create a broken melody.