Sixth Stanza

238K 9.5K 2.3K
                                    

Sixth Stanza

MIA MILLS.

"Love is a ruthless game unless you played it good and right."

- Taylor Swift, State of Grace

"Okay ka naman ba diyan, Mia? Are you eating well?" tanong sa akin ng mommy ko mula sa kabilang linya.

"Yes mom, I'm fine. Don't worry, I'm eating a lot."

"Yung apartment na inuupahan mo, is it safe? Naku, mas makakampante ako kung babalik ka na muna doon sa mga tita mo. Isa pa, hindi ka marunong magluto! Paano ka ngayon? Don't tell me puro prito ulam mo?"

"Mom, don't worry about me. It's safe. I love my roommate, magaling siyang mag-luto, and besides, malapit lang 'to doon sa studio. Mas madali akong nakakapunta doon."

"Okay, okay. How about Sam? How is he? Nagustuhan ba niya yung sapatos na pinadala ko sa kanya last time?"

Hindi ako naka-imik agad sa tanong ni mommy. Parang pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko.

"Mia?"

Napalunok ako.

"H-he's fine, mom. Don't worry about him."

"Good! May ipapadala ulit ako sa inyo diyan, ha? I saw a cute couple shirt. Naku! Babagay sa inyong dalawa ni Sam yun. Isuot niyo sa isa sa mga gig niyo."

"Mom, you don't have to.."

"Nabili ko na! I'll send it to you! Ah basta, wear it in one of your gigs, okay? Mag selfie kayo ni Sam and send it to me! I'm expecting it!"

Napapikit ako at pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Nilalamon ako ng konsesnya ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni mommy ang about sa amin ni Sam. Hindi pa rin niya alam na hiwalay na kami. Hindi niya alam na nagso-solo na ako ngayon. Hindi rin niya alam na kaya ako umalis kina tita ay dahil ang maldita sa akin ni Pam.

Hindi niya alam na hindi ako okay.

At hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong mag-alala siya sa akin.

"Mom about Sam--"

"Don't tell me magpapakasal na kayo?!" pangunguna ni mommy sa akin. "Oh my gosh! Magpapatahi na ba ako ng gown ko?!"

"Ma naman! Hindi!"

"Don't tell me kasal na kayo?! Naku Mia ha, magtigil ka! Hindi pwede yan! Dapat present kami pag nagpakasal kayo! Naku! Pero kelan niyo ba balak? Lahat kami nagiintay na rito! Alam mo naman na botong boto kaming lahat kay Sam kaya bago pa makakawala yan, naku, itali mo na!" pabirong sabi ni mommy then she laughed.

Sorry ma, nakakawala na siya, eh.

"Mom?"

"Oh?"

"I love you," mahina kong sabi.

Natahimik si mommy mula sa kabilang linya.

"Anak? Is something wrong?"

"No ma. Kayo naman. Nag I love you lang ako."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon