Thirty Fifth Stanza
MIA MILLS.
"Habang lumalalim ako'y nahuhulog na. Ika'y gustong laging kasama."
- Silent Sanctuary, Abot Langit
Two months. Two months ang nagdaan. Ang daming nangyari sa buhay ko sa loob ng dalawang buwan. Pakiramdam ko nga parang isang buong taon na ang nakalipas.
I was in a competition. Nakapasok ako sa preliminary. Pasok din ako sa elimination round. From top 20, narating ko hanggang top 10.
Before ako makapasok sa top 20, si Ayen ang madalas kong kasama. Halos araw araw, nag pa-practice kami. He's been very kind and supportive sa akin. Pag may mga live performances, lagi siyang nandoon at nanunuod. At unti unti ko ring na o-overcome ang stage fright ko nang dahil sa kanya. Knowing that he's watching me, mas lumalakas ang loob ko.
Nang makapasok ako sa top 10, I need to go to the camp na sinet-up ng production nitong competition. Sa camp, each one of us has our own coaches na mag t-train sa amin in the preparation for the much bigger competition. Kaya naman halos isang buwan ko ring hindi nakita si Ayen dahil nasa camp ako. Magaling naman ang coach ko kaya lang syempre nakakamiss si Ayen. Nakakamiss yung bonding namin. Pag kasama ko siya, ramdam ko ang pagiging strikto niya sa akin pero nandoon pa rin yung genuine na suporta niya. Na ginagawa niya ito para sa akin at walang iba. Isa pa, oo na. Mahal ko kasi siya kaya ko siya namimiss kasama. Gustong gusto ko na nga siyang makita, eh.
Pero at the same time, may excitement akong nararamdaman.
Tuwing gabi, magkausap kami sa chat ni Ayen. He's always sending me some encouraging words. Minsan puro asaran lang yung pinaguusapan namin. Minsan naman bigla bigla na lang siyang nagiging sweet. Pinapaalalahanan ako na wag magpapagutom, na dapat magpahinga ako. Minsan out of nowhere mag t-text siya sa akin na miss na niya ako. Syempre I can't help but kiligin sa mga ganung gestures niya. Nakakainis siya. Na co-confused tuloy ako.
May gusto na ba siya sa akin? Kasi yung mga pinapakita niya, eh.
But some tiny part of me, nagsusumigaw ng "ASA"
Pero yun nga, kahit gulong gulo ako, masaya pa rin ako sa pakikitungo namin sa isa't isa ngayon. Kung dati, ang taas ng wall ni Ayen sa paningin ko, ngayon, unti unti na siyang nagiging open sa akin. And I'm happy kasi mas lalo kaming nagiging close sa isa't isa.
Yun nga lang, kapag sunod sunod na masasayang bagay ang nangyayari sa'yo, you can't help but feel afraid na baka may kapalit ito. Or maybe it's just me because I'm such a negative thinker.
"What if you think this way," sabi sa akin ni Sammie nang minsan kong ma-open up sa kanya ang about sa feeling ko na 'to. "Bago ka naman maging happy, 'di ba you've been hurt so many times---by your ex-boyfriend, by your dad, and even yung mga taong hindi naniniwala sa capabilities mo. Kaya siguro ang saya mo ngayon kasi pinahirapan ka noon."
Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi ni Sammie.
I hope she's right. Sana ito na nga yung payment sa lahat ng mga pinaghirapan ko. I hope tuloy tuloy na 'to.
Kulang na lang talaga ay kausapin na ulit ako ng dad ko at matanggap na ito talaga ang gusto kong gawin sa buhay.
A few days ago, I was able to talk to my mom. She was thrilled nang malaman niyang pasok ako sa top ten finalist. Naikwento ko rin sa kanya na tinutulungan ako ni Ayen—yung idol na idol ko na songwriter. Ramdam ko naman ang tuwa para sa akin ni mommy. She even told me she's planning to go back here in the Philippines para panuorin ang performance ko next month. Excited naman ako because I miss my mom so much. Yun nga lang, when I asked her if dad's going to join her, hindi siya makasagot.
BINABASA MO ANG
Broken Melody (EndMira: Ayen)
RomansMia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start to create a broken melody.