Forty Third Stanza
MIA MILLS
"It's not the kind of ending you wanna see now. Baby I don't like the ending. I thought you'd be here by now."
- Taylor Swift, If This Was a Movie
Eight hours. Ganyan ka tagal ang binyahe ko before reaching this island.
Eight hours.
Sa loob ng walong oras na 'yun, my courage didn't waver. Buo ang loob ko na harapin si Ayen. Kahit ano pang sabihin niya. Kahit itaboy niya pa ako. I won't leave without him hearing me out first. Kailangan kong maipaalam sa kanya ang side ko and I'm prepared to whatever consequence I need to face.
Pero ngayon na nandito na ako sa secluded island at nasa harap ko na ang rest house na tinutuluyan ni Ayen, atsaka pa ako pinanlalambutan ng tuhod. Gusto kong umatras kasi mamaya hindi pa nga talaga siya ready na kausapin ako. Willing naman akong mag antay sa kanya hanggang sa bumalik siya at harapin ako. Kaso nakakainis, talagang naisip ko 'yan kung kailan nandito na ako sa isla at nakaalis na yung bangka na naghatid sa akin dito.
Languyin ko na lang hanggang doon sa kabilang side?
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala naman na akong magagawa, eh. I'm already here. Hindi ko kayang lumangoy ng malayo. Ang takot ko lang sa mga pating diyan.
Napahinga na lang ako nang malalim at isinukbit ko ang backpack sa likod ko at kahit nanlalambot ang mga tuhod ko, naglakad ako papunta doon sa rest house.
Kaso nakaka tatlong hakbang pa lamang ako, nakita kong nagbukas ang pinto ng rest house at lumabas si Ayen. Agad akong napatago sa gilid ng puno ng buko para hindi niya ako makita. Kabadong kabado ako. But the truth is, I want to strangle myself kasi para akong sira rito. Tatago tago ako eh kaming dalawa lang ang nasa island na 'to. Eventually, I have no choice but to show myself to him.
I saw Ayen walk towards the sea shore. He's carrying a pen and a notebook with him. He soaked his feet then na upo siya sa buhanginan at nagsimulang magsulat.
Siguro panibagong kanta. Maybe it has something to do with me. Maybe it has something to do with how painful he's feeling right now because of what I did.
And all these time I thought I'll never make him write a sad song about me.
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa likod ng puno. Sumandal ako rito at tumingin sa kalangitan. Hindi pa masyadong mataas ang araw. It's still seven in the morning. Malamig lamig pa ang hangin and I feel calm hearing the sound of the ocean. But at the same time hindi ko ma-ialis ang bigat nang nararamdaman ko. Gusto kong lapitan si Ayen at yakapin nang mahigpit. Gusto kong umiyak sa harapan niya, lumuhod at paulit ulit na mag-sorry hanggang sa makuha na niya akong patawarin.
But looking at Ayen now, kita ko kung paano siya napapakalma ng pagsusulat. He look at peace right now. Yung tipong parang nasa loob siya ng sariling mundo niya at doon, walang pwedeng makapanakit sa kanya.
I don't want to ruin that for him. I can imagine the pain he's going through these past few days. Maybe like me, he's a mess. Pero ngayon na at peace siya, dumating ako para guluhin na naman iyon.
Wag muna. Wag ka munang magpapakita, Mia. Wag mo munang sirain ang araw niya.
Napapikit na lang ako at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Broken Melody (EndMira: Ayen)
RomanceMia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start to create a broken melody.