Twenty Sixth Stanza

223K 9K 1.8K
                                    

Twenty Sixth Stanza

MIA MILLS.

"I've been spending the last eight months thinking all love ever does is break and burn and end. But on a Wednesday, in a café, I watched it begin again."

- Taylor Swift, Begin Again

"Diet?" nakangiting tanong sa akin ni Ayen nang ilapag ng waiter ang order ko sa lamesa. "Green na green ang pagkain mo ah? Pesto pasta?"

Napangiti na lang din ako pero hindi ko na siya sinagot. Tinignan ko ang order niyang American size na burger with maraming side dish na fries.

Sa totoo lang, gusto kong um-order ng steak pero pinagsabihan kami na bawasan ang pagkain ng marami dahil sunod sunod ang photoshoot namin ngayong buwan. Isa pa, malapit lapit na rin i-launch ang new single ko. Mukhang isasama rin ako doon sa isang music video ng EndMira. Kaya eto, napipilitang mag diet.

Honestly speaking, kung ako ang tatanungin, hindi ko naman kailangan magpa-sexy at magpaganda. By the end of the day, singer ako at hindi artista. Mas mahalaga pa rin ang talent ko sa pagkanta kesa sa mukha ko. Pero masakit man isipin, ang katotohanan ay malaking factor pa rin ang physical appearance lalo na dito sa Pilipinas kung papasok ka sa mundo ng showbiz.

At isa iyon sa kinakatakot ko. Hindi naman ako ganoong kaganda. At hindi ko sinasabi yun dahil mababa ang self confidence ko kundi ayon talaga ang katotohanan. Siguro naman alam natin sa sarili natin kung maganda tayo o hindi, di ba?

"Alam mo, pwede kang um-order ng steak o fries o burger. Sumama ka na lang sa akin mag gym bukas para tunaw yang kinain mo," nakangiti niyang offer.

Nakaka-tempt um-oo. Gusto kong sumama sa kanya mag gym hindi dahil gusto kong mag gym kundi dahil gusto ko siyang makasama. Baka nga kapag niyaya niya akong samahan siyang bisitahin si Satanas sa hell, sumama ako.

Bwiset na Ayen na yan. Sabi nang iiwas ako sa kanya, eh.

"Pass po muna ako sa gym, madali akong mapagod eh."

"Naku kaya dapat mas lalo kang mag exercise para hindi ka madaling mapagod. Mag swimming na lang kaya tayo? Makakatulong din yan sa'yo. Proper breathing 'di ba? Lalo na pag kumakanta ka ng high notes. Diyan na train dati si Regine Velasquez."

Swimming daw kami oh. KAMI.

May 'kami' ba? Leche.

"Anyway, kumusta ka naman Mia nung wala ako?"

I shrug, "ayos lang naman po. Wala pa naman masyadong ganap. Kung wala ako sa workshop o walang photoshoot, nasa bahay lang ako. Nagpapahinga..." iniisip ka, namimiss ka, inaalala, iniisip ko kung bakit di ka nag t-text sa akin, punyeta ka. Gumagawa ng plano kung paano ako iiwas sa'yo at paano ko pipigilan ang nararamdaman ko. Leche ka.

"I see. Nakapagpahinga ka naman nang maayos?"

"Oo naman!" pero yung puso ko ang energetic mag mahal. Parang di nasaktan. Ayaw mag pahinga. "Eh ikaw? Kumusta po ang pamumundok?"

Napatawa siya nang mahina.

"Bakit mo naman naisip na namundok ako?"

"Dahil broken hearted ka?"

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon