Fortieth Stanza
MIA MILLS.
"Without a soul, my spirit's sleeping somewhere cold."
- Evanescence, Bring me to Life
Four wounds shaped like a crescent moon. Ganyan ganyan ang itsura ng nasa palad ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa sahig at nakatitig sa kisame habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Clenched fists, my nails dug deep into my palm. And when I unclenches my fist, I saw it---the crescent moon shaped wounds. Tig apat sa magkabila kong palad. My nails are bleeding—pati na rin ang mga palad ko. Pero nakakatawa kasi hindi ko maramdaman ang sakit. Parang namanhid ang buong katawan ko maliban sa nararamdaman ko.
Napapikit ako at pilit na nilalabanan ang demonyong bumubulong sa isip ko. Kasi ito na naman ako. Nalagay na naman ako sa sitwasyon kung saan mas gusto ko nang saktan ang sarili ko physically just so I can forget my emotional pain. Hindi ko na kasi kayang i-handle 'to eh.
Parang gusto ko na lang maglaho na parang bula.
Ang dami kong sinisisi dahil sa nangyari.
Una ay si Sam.
I used to live a secured life. Nung nasa Pilipinas pa kami, hindi ako lumalabas, hindi ako gumigimik, ni hindi ako marunong uminom. Nasa bahay lang ako, tumutugtog ng gitara, minsan pag lumalabas ako ay kapag may performance lang ang EndMira. Yun lang. But nung lumipat na kami sa States at nakilala ko si Sam, he taught me how to enjoy my life better. He taught me how to be reckless and fun. Siya ang nagpa-realize sa akin kung gaano ko kagusto ang pagtugtog at pagkanta. But thinking about it, I wouldn't be in the bar that night if it wasn't because of him. Hindi ako ma-h-high ng ganun kung hindi patagong nilagyan ng kaibigan niya ng drugs ang iniinom kong alak.
And then I'm blaming my dad. He's the main reason why I went to the bar that night. Siya ang pinaka malaking dahilan kung bakit nasa States kami ng mama ko in the first place. Second family kami. Ang pamilyang tago. Ang pamilyang hindi niya kayang panagutan. Oo, kasal sa iba ang dad ko nang mabuntis niya si mama. Oo, nasa Pilipinas kami dahil may inaalagaan siyang pangalan. He's a business tycoon—one of the most respected man in the industry. Hindi nga lang sila nagkaanak ng asawa niya. And when his wife died of cancer, doon lang niya kami dinala sa States. Akala ni mama magpapakasal na sila. Akala ko, makakasama na namin, but no. The first few years na nandoon kami, nagtatago pa rin kami. Pero nakakatawa, hindi niya kami magawang ilabas sa publiko pero nagagawa niyang pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin sa buhay. Nang sabihin kong gusto kong maging singer, he laughed at my face and told me I'm talentless at wala akong mararating sa pagkanta. Paano niya ako nahusgahan nang ganun when in fact, wala naman siya sa tabi ko nung lumalaki ako? Yes I'm his daughter pero hindi niya ako kilala. And I hate him so much dahil hindi niya ako kayang suportahan. Na hindi niya kayang sabihin sa mundo na anak niya ako. Pero ang nakakatawa? I'm still craving for his attention. Gusto kong itrato niya akong anak. Gusto kong maramdaman na mahal niya ako---kami ni mama. And so I went to the bar that night and drank away all the pain he had caused me.
I'm also blaming my mom for being weak and for loving an asshole like my dad. I'm blaming her for being so kind kahit na ang dami nang masasakit na salita ang sinabi sa amin ng pamilya ng dad ko. I'm blaming her because she is one of the reason why I went to that bar dahil hindi ko na matagalan pang makita siyang umiiyak that's why I choose to leave.
BINABASA MO ANG
Broken Melody (EndMira: Ayen)
Любовные романыMia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start to create a broken melody.