Twenty Fourth Stanza

219K 8.4K 2.1K
                                    

Twenty Fourth Stanza

MIA MILLS.

"Kung pwede lang ang puso ko'y huwag mo ng lapitan."

- Lovi Poe, Kung Pwede Lang

"Shit shit shit bessy it's so nakakakilig!!" sabi ni Sammie habang nagpapagulong gulong sa kama. Sa sobrang kilig niya, nasipa pa niya ang laptop na nasa harap namin at muntikan pa itong mahulog sa kama.

Paano kasi, nanunuod kami ng Kdrama at may isang nakakakilig na part doon kaya naman itong si Sammie akala mo parang lintang binudburan ng asin.

Inayos ko ang laptop at pinagpatuloy ang panunuod. Ang tagal naman ng kissing scene na 'to. In public pa talaga ha? Sa park pa talaga. Para ano? So that they could capture this beautiful scenery? Pandagdag kilig?

Pwes, hindi ako kinikilig. Gusto ko silang hampasin dalawa. Pagka ako napadaan sa park at nakakita ng couple na naglalaplapan, sasaksakin ko sila pareho ng sanga ng puno.

"Saranghae," sabi nung bidang lalaki. "And I will always love you until my last breath."

Ulol, pakyu, walang forever! Minsan na akong nasabihan niyan and guess what? Nakipag break siya sa akin.

Biglang isinara ni Sammie ang laptop kaya napalingon ako sa kanya.

"Hey, I'm watching!" inis kong sabi.

"Bessy nakakakilig ang pinapanuod natin pero yung expression mo pang semana santa. Seriously, ilang ampalaya ang nilaklak mo today?"

Inirapan ko siya at nahiga atsaka ako nagtalukbong ng kumot.

"Now you're avoiding my question. Si Sam pa rin ba?" tanong niya.

"Wala na akong paki sa kanya," sabi ko.

"Then who?"

Hindi ako umimik.

"Si hot songwriter 'no?"

Napabuntong hininga ako at hinarap ko siya.

"Sammie...ayokong ma-inlove sa taong may ibang mahal."

"Naku, patay tayo diyan," napailing siya. "You're falling for him!"

Tumango ako, "alam mo ba, dapat may lakad kami last week kaso hindi natuloy kasi may emergency siya," malungkot kong sabi.

"And that emergency is a girl?" tanong niya.

"Yung babaeng mahal niya. Yung iniiyakan niya," medyo bitter kong sabi. "Isang tawag lang nung babaeng yun, sugod agad siya, eh hindi naman siya mahal nun."

At after tawagan ni Chef Timi si Ayen, hindi ko na ulit siya nakita. Nag text na lang siya sa akin kinabukasan nun na nasa bakasyon siya at baka hindi kami mag-meet for a week or two. Basta tuloy tuloy lang daw muna ako sa pag p-practice ng dalawang kanta na sinulat niya. Kinumusta ko ang pagkikita nila ni chef, according to him, may pinagusapan lang sila pero hindi naman daw importante.

Ewan ko kung totoo. Feeling ko hindi lang basta basta ang pinagusapan nila, eh. Kasi bakit naman siya biglang mapapa-out of town?

O baka masyado lang akong napapraning? Baka binibigyan ko lang ng meaning ang mga bagay bagay?

Ewan ko ba.

Tsaka ano ba kasing pakielam ko?

"The girl he likes....siya ba yung chef?" tanong ni Sammie.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon