5 : facedown

2.9K 99 14
                                    

"CN, manonood ka ba ng concert mamaya?" tanong ni Lia, seatmate ko sa English.

Umpisa na kasi ng Foundation Week ng University. Actually, yung pinakacelebration ay sa Huwebes, since yun ang ika-50th year mula nang itinayo itong unibersidad. Pero sa buong linggo ay aasahan na mayroong iba't ibang activities. Tulad na lang mamaya, may musical concert sa gymnasium. Nag-imbita ng local artists at meron ding iba't-ibang banda na pupunta.

Nag-isip ako. Hindi naman required na pumunta kami doon kaya wala namang magiging bearing sa grades ko. So, malamang, gagamitin ko na lang ang oras para makapagpahinga sa bahay.

Umiling ako. "Baka hindi."

"Bakit naman?" usisa niya.

Pinigilan ko ang sarili na maglabas ng hindi magandang ekspresyon. Medyo makulit din kasi ang isang 'to. "May importante kasi akong gagawin mamaya e."

Napatango-tango lang siya. "Sayang naman. Gusto pa man ding kitang makasama mamaya. Di bale, sa susunod na lang siguro."

Nginitian ko siya, kahit tipid lang. "Yeah. Siguro nga sa susunod na lang."

"O siya, mauna na ako," sabi niya't kinuha na ang gamit.

Nagwave lang ako sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng classroom.

Samantala, kinuha ko naman ang cellphone sa bag at nagtype ng mensahe kay Slade: 'Lunch?'

Ilang sandali pa nang nagreply din siya. 'Celestine, sorry. I can't. We have an important meeting with a group. Lunch meeting.'

Oh. Mukhang sa bahay ako maglalunch nito. Nagreply ako: 'I'll go home then. Mukhang matagal ka pa. See you later. :)'

'Okay. You take care. I love you.'

'I love you too.' With that, I put my phone back in my bag and left the room.

Naglalakad ako sa school grounds nang mapansin ang iba't ibang booths sa gilid ng catwalk. Wala ang mga 'yun nang pumasok ako.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang matigilan. Dalawang booth mula sa kinakatayuan ko ay mayroong dalawang lalaking nakahawak ng lubid. Kung titingnan, parang kaswal lang silang nakatayo doon. Pero nang mayroong nang dumaan sa tapat nilang estudyante ay ibang usapan na. Bigla silang umatake at bam, nahuli ang mga muwang na estudyante.

Kita ko pa kung paano nagulat 'yung grupo ng tatlong babae. Agad na lumapit yung isang may hawak ng lubid sa mga ito at may sinabi. Halata na hindi lahat sila interesado sa sinasabi nito. Pero lumapit pa yung isang kasama, may sinabi sa mga ito at tinuro 'yung booth sa tapat nila - kung saan ngayo'y may maririnig na tugtog mula sa malaking speakers na nandoon.

At hindi ko alam kung anong nangyari at pumayag na ang tatlong kababaihan. Sumama silang tatlo dun sa dalawa patungo sa booth.

Nang makapasok na ang tatlo ay balik na naman yung dalawa sa catwalk, nag-aabang ng panibagong biktima.

I groaned. Fita. Mukhang dinadaan ng mga lokong 'to sa pilitan para bisitahin ang booth nila. And I could be their next target. Double fita.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Yung dalawang grupo ng estudyante na naglalakad sa unahan ko kanina ngayon ay tila patay malisyang biglang napaliko at bumalik papuntang building. Habang ang ibang estudyante nama'y inaabala ang sarili sa pagtingin sa ibang booth. Wala pang nangangahas na dumaan - halatang ayaw mahuli nung mga loko.

I groaned again. Kailangan ko nang umuwi. Pero makakauwi ba ako nang hindi dumadaan sa mga mokong na 'to? Tingingnan ko ulit ang paligid. Napunta ang tingin ko sa malawak na field. Nasa tabi lang iyon ng driveway kung nasaan nakapwesto ngayon ang mga booth. And there's a tunnel there going straight to the school's gate.

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon