9 : rival

2.6K 85 22
                                    

Wala akong sinabi kay Slade. Ni isa sa mga nangyari, wala akong pinaalam kay Slade.

Alam ko. Siguro ngayon, running na ako para sa worst girlfriend award of the year dahil sa paglilihim ko kay Slade. Pero ito lang ang alam kong paraan para maprotektahan si Slade, para makaiwas sa gulo. At habang wala pang masyadong nagagawa si Onyx, ganito pa rin ang gagawin ko. Ililihim ko pa rin at ililihim ito.

'You look good today.' Nilukot ko ang dilaw na memo paper sa loob ng locker ko. Simula nung Lunes, nakakailang papel na akong nalukukot. Obviously, it came from Onyx. Kanino pa ba?

Paano ko nalaman kahit na walang note kung sino ang nagsulat? Simple lang. Una, hindi penmanship ni Slade. Pangalawa at pinakadahilan, 'yung papel na ginamit, may nakaprint na logo ng fraternity nila sa gitnang bahagi sa pinakataas. Alpha Xi Omicron.

Na para bang lihim na pinapaalala sa akin kung sino si Onyx at kung ano ang kaya niyang gawin. Pero sa loob ng isang linggo'y wala naman siyang nakakabahala na ginawa. Just the stupid notes. And they were harmless.

Kinuha ko na ang libro para sa huling subject ngayon at saka sinara ang locker. Sa susunod nga na linggo ay matakpan na yung butas n'un para wala nang makalusot na kung ano.

Naglakad na ako papunta sa unang klase ngayon. Pero bago mabuksan ang pintuan ay naramdaman kong nagvibrate phone ko. I got it and read the text from Slade. 'Are you already in school?'

Hindi kami sabay na pumasok ni Slade. Kailangan niyang mauna dahil mas maaga ng isang oras ang klase nila. Nagtype ako ng reply kay Slade. 'Yes. Actually, papasok na ako ng classroom.' Then I hit send.

His reply came promptly. 'Alright. Have fun in class.'

At hindi pa ako tapos magtype ng sagot nang may dumating na text message muli galing sa kanya. 'See you at lunch.'

Then another. 'I love you, Celestine.'

At hindi ko na napigilan pa ang abot-tengang ngiti sa labi ko habang nagkocompose ng reply kay Slade. 'See you later. I love you too, Slade.'

May ngiti pa rin sa labi, ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa saka pinihit ang doorknob.

Pagkapasok sa classroom, may dalawang bagay akong napansin na kakaiba. Una, lahat ng mga kaklase kong nandoon ay nakatingin sa akin. I mean, may mangilan-ngilan namang napupunta ang tingin sa akin sa tuwing pumapasok ako. It was the usual reaction, right? But the thing was, the looks they were giving me right now were different.

Inalis ko ang tingin sa kanila at napunta sa harap kung nasaan ang table na nilaan para sa darating na prof. At nandoon na ang pangalawang kakaiba. May nakapatong kasing bouquet ng pulang rosas doon.

Pagkakita sa bulaklak ay hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. But then, I must be overthinking things. Marahil ay para sa prof namin 'yan. That was why it's placed on her table, right?

Tumango ako. 'Yun nga iyon. Pagkahinga nang malalim, naglakad na ako at didiretso na dapat sa upuan ko nang may tumawag sa akin mula sa unahan. Lumingon ako at nakita yung babae mula sa unang row, nakapwesto sa kanang bahagi ng table ng professor.

Itinaas ko ang kilay sa kanya bago nagtanong. "Bakit?"

"Your name's Celestine, right?" tanong niya.

Tumango naman ako.

At doon na niya sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan. "Para sa'yo yata 'yung bulaklak."

Kumunot ang noo ko. What? Tiningnan ko ulit ang bulaklak. I didn't like flowers. Well, it was not like I hated it. Hindi lang ako mahilig sa bulaklak. At alam 'yun ni Slade. So, he rarely brought me flowers. Let alone in a bouquet. Kaya nga nung monthsary namin, isang tangkay lang ng rose 'yung ibinigay niya sa akin.

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon