16 : tattoo

2.5K 107 10
                                    

Saktong pagtahan ni Kleo dumating ang mga order namin. Ngayon, ang milkshake ay hindi na para sa mainit niyang ulo. It was now for her heavy heart.

I watched Kleo as she ravenously ate her blueberry cheesecake, and drank her milkshake. At nang pakiramdam ko'y kulang pa sa kanya 'yun, in-offer ko rin yung halos walang bawas kong cake.

She needed that - sweets - and I knew it will help her.

And I was right. Pagkatapos maubos ni Kleo ang mga kinakain niya'y bumalik na naman siya sa masiyahing sarili. Na tila ba hindi nangyari 'yung kanina.

Lumabas na kami ng cafe. At nang akala kong babalik na kami ng campus ay saka mayroong naalala si Kleo.

"Malapit lang pala 'yung studio dito," sabi niya sa akin. "Baka gusto mong silipin."

Nagkunot ako ng noo. Anong studio?

"Studio?" ulit ko.

"Tattoo studio," paglilinaw ni Kleo. "Nakita ko kasi kanina kung paano mo tingnan 'yung tattoo na nasa daliri ko. Inisip ko baka interesado kang bisitahin 'yung shop para makita mo 'yung ibang design."

Napatango ako. Okay. "Sige," sagot ko. "Puntahan natin."

Ngumiti naman si Kleo. Then she lead the way there. As we were walking, I got my phone and sent a message to Slade. 'May pupuntahan pa kami ni Kleo. Mauna ka nang umuwi. Sa dorm na lang tayo magkita. I love you.'

Hindi ko na hinintay pang mag-reply si Slade. I knew he would understand. Si Kleo naman itong kasama ko. At isa pa, pagkatapos nang nangyari kanina, kailangan ng karamay ni Kleo.

We reached the tattoo studio. And I was surprised to see the place was huge. At hindi lang mukhang basta-basta itong lugar. It was even two-storey.

Pumasok na kami sa loob. Doon malapit sa pintuan ay mayroong babaeng maikli ang buhok ang bumati sa amin. My eyes went at the inks on her arm. Mayroon din sa leeg. I smiled, somehow she reminded me of Melissa.

"Hi," bati ni Kleo doon sa babae. "Titingin sana kami ng designs."

"Ah," sagot nung babae at tumungo, may kinuha doon sa ibaba noong pwesto nito. Pagkatayo nito ng tuwid muli ay mayroon itong inabot na dalawang clearbook sa amin. Kinuha 'yun ni Kleo at umupo kami sa sofa sa tapat.

Binigay sa akin ni Kleo 'yung isa. "Tingnan mo," sabi niya.

Kinuha ko naman iyon at binuksan. Unang pahina pa lang ay namangha na ako sa mga designs. May dalawang litrato sa bawat design. Yung una, yung nakaguhit pa lang ito at 'yung pangalawa ay kung anong itsura nito kapag nai-tattoo na sa balat. And I was amazed.

Nasa kalagitnaan kami ng pagbubuklat nang marinig namin na mayroong tumawag kay Kleo. Halos sabay pa kaming napaangat ng tingin. I saw a guy. He was definitely older than us. Late twenties, maybe?

"Drake," Kleo squealed beside me then she stood up and did a shake hands with the guy.

"Long time no see," sagot nung lalaki. "What brings you here? Another ink?"

Umiling si Kleo saka tumingin sa akin. "I brought a friend. Pinatingin ko lang 'yung mga gawa mo," sagot ni Kleo.

Napunta rin ang tingin sa akin nung lalaki. Tumaas ang kilay nito at pinasadahan ako ng tingin. Tumayo naman ako at lumapit sa kanila. "Hi, I'm CN," pakilala ko.

"Drake," sagot nung lalaki at nag-abot ng kamay. Nag-aalangan ko namang kinuha 'yun saka mabilis na kinamayan.

The guy seemed to notice my uneasiness that he laughed a bit. "Nice to meet you, CN."

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon