21 : party

2.6K 108 20
                                    

That lunch was not the only thing Slade did for me for today. Kahit na hindi ko na siya nakita pa mula nung lumabas siya ng cafeteria, nang dumating naman ang uwian ay hindi ko inaasahan na makikita ko sa labas ng classroom si Onyx. That was right. Si Onyx.

I asked him, "What are you doing here?"

He smiled lazily at me then it turned into something taunting, like he knew something bad about me. Sinamaan ko siya ng tingin at doon niya pa lang naisipang sumagot. "Seems like I'll be your ride home for today."

Tumaas ang isa kong kilay. "What?"

Muli, tumaas na naman ang gilid ng labi niya at tiningnan akong parang inaasahan nang magtatanong ako ng ganoon. But later on, Onyx answered, "Slade's still in his class. He asked me if I can give you a ride home."

Seriously? Ipinagkatiwala talaga ako ni Slade kay Onyx?

"At paano kung ayaw kong sumama sayo?"

He shrugged. "Then I guess I have to use force. Kung kailangang kaladkarin kita pababa ng building na ito at papuntang parking lot, gagawin 'ko. Anyway, Slade said it will be fine. Gawin ko raw ang lahat ng alam ko maiuwi lang kita sa dorm niyo."

Pinanliitan ko si Onyx ng mata. "He didn't tell you that."

Natawa siya. "Right, you easily got me," amin na niya. "You really know your boyfriend, huh?"

I glared at him then added in my head, 'Because he's my boyfriend, duh!' Minsan itong si Onyx parang ewan din talaga. Kung hindi nga lang ba inamin sa akin ni Kleo na mahal pa rin nito ang lokong 'to, naku, naku. But then, since he's Kleo's first love, I knew I had to deal with him.

Nang hindi pa rin ako sumagot ay sumilip si Onyx sa relong suot pagkatapos ay tiningnan akong muli. "C'mon, CN, lets go. Don't be hard on me this time. Isa pa, may utang ka pa sa aking tulong."

I raised a brow a him. To which he responded, "Si Kleo."

Napabuga lang ako ng hangin. Yeah right. Nasabi ko pa lang tutulungan ko siya. At wala na akong nagawa pa kundi sumama kay Onyx.

Pero nang makasakay ng sasakyan niya, hindi ko inaasahan ang unang tanong niya. "Did you guys fight?"

I heaved a deep sigh at that but I didn't answer him. Hindi ko lang alam kung anong isasagot.

"Sorry, I'm not trying to pry but Slade and you are just acting weird," paliwang ni Onyx. "Nung tinawagan niya ako, he sounded so low, you know that? Like he's not his usual self. Then I talked to you, and you looked just as how he sounded, then you don't know that Slade called me to be your ride. Parang hindi kayo nag-uusap."

Alright, I had to give it to Onyx. He's so damn observant. At dahil tama lahat ng sinabi niya, wala akong nagawa kundi ang manahimik pa rin. Parang magmula kagabi, hanggang sa patapos ng araw ay ganoon lang ang nagawa ko - ang manahimik.

But then, I remembered he told me about how I'll help him to win Kleo back. Kaya agad-agad, doon ko idinivert ang topic. "Kumusta pala ang pagkuha ng loob mo kay Kleo?"

Onyx took a glance at me, his lips slightly ajar then he shook his head at me disbelievingly. Nilakihan ko lang siya ng mga mata. At natawa na lang siya pagkatapos ay ibinalik na ang tingin sa daan saka sumagot. "I really don't know if I'm making progress. That's why I need your opinion about it..."

At sa mga sumunod na minuto ay iyon lang ang pinag-usapan namin ni Onyx. Tungkol sa kanila ni Kleo. Nang marating nga namin ang dorm ay hindi pa rin kami tapos. Onyx just told me to talk tomorrow. Which I had no any other option but to agree. So I did. Pumasok na ako ng dorm saka dumiretso sa unit ko.

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon