26.1 : retribution

2.1K 76 8
                                    

My head hurt. Specifically, at the back.

Pero tiniis ko ang sakit at pinilit igalaw ang katawan nang mapigilan dahil sa naramdamang lubid na nakatali sa kamay ko.

Doon ko na iminulat ang mga mata para lamang salubungin ng dilim. I couldn't see anything. Well except that part where the light from outside peeked through the small hole.

Pero wala rin naman akong makitang kung ano doon para masabi ko kung nasaan ako ngayon.

But I could smell the place. It smelled like a mixture of rusty metal and grease.

But from here, I couldn't hear anything except the thunder in my heart, and my uneven breathing.

I was scared, alright. Sobrang takot.

At lalo lang nadagdagan 'yun sa mga iba't ibang senaryo na tumatakbo sa isipan ko ngayon.

I really had no idea what he will do to me. All I knew is that it would be bad.

Would someone ever find me here and rescue me?

Napapikit ako. God, please, let me not die this way. Let me not die in the hands of someone cruel.

My prayer stopped when I heard the door creaked. Napamulat ako nang mata at saktong nakita ang liwanag hatid ng pagbukas ng pinto, na bigla ring nawala nang sumara iyon. Pero hindi nagtagal nang ang buong lugar na ang nag-ilaw. All of the lights were opened now.

And I took the chance to look around. Warehouse. Nasa bodega ako ng mga bakal, mga kinakalawang ng mga bakal, ang iba nama'y parang dumaan ng apoy dahil nababalutan ng kulay itim.

"Gising ka na pala."

Pagkarinig ng boses na iyon ay dahan-dahan kong inangat ang tingin at pinigilan ang sariling magpakita ng galit sa lalaking sayang-saya akong pinagmamasdan ngayon. Dahil kahit gaano ko pa gustong magwala dito'y alam kong wala iyong maitutulong sa sitwasyon ko ngayon.

Lumapit pa ito sa pwesto ko. At nang abutin nito ang mga kamay kong nakagapos sa likod ng inuupuang silya ay napakuyom ako ng mga palad. Ni hindi ko maatim ang madaplisan kahit man lang ng daliri nito.

"Aalisin ko itong tali mo," sabi nito. "Pero, wag na wag mong subukang may gawin na hindi ko magugustuhan dahil baka hindi kita matantya't mapaaga ang pamamaalam mo sa mundong ito."

Hindi ko maiwasang mapahagulgol. Isang beses lang pero tila ang nararamdaman kong takot ay kakaiba ang hatid na aliw dito't bigla itong humalakhak. Binitawan nito ang kamay ko, tinigil ang pansamatalang pagkalas sa pagkakatali sa akin saka iginiya ang mukha, pinuwesto ilang dipa mula sa mukha ko.

Matiim nito akong pinagmasdan, agad naman akong nag-iwas ng tingin. Muli itong natawa saka inabot ng daliri ang pisngi ko, marahang iginapang iyon sa gilid ng mukha ko. Agad kong ipinilig ang ulo, paiwas. Muli, isa na namang malalim na tawa mula dito.

"Bakit? Nagulat ka ba?" magkasunod nitong tanong. "Akala mo ba makakaalis ka pa ng buhay dito? Pasensya ka na lang, nagkataong ikaw ang pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay ng walanghiyang lalaking 'yun."

Alam kong ang tinutukoy nito ay si Slade. At kung kanina'y hindi pa malinaw, ngayo'y alam na alam ko na kung bakit ako kinuha nito - para maghiganti. Sa lagay nito ay hindi ko alam kung may pag-asa pa ba akong makawala dito, pero walang mangyayari kung hahayaan ko lang na gawin nito ang nais nitong gawin sa akin.

Kaya, sumubok ako. Sumubok na magmakaawa.

"Bakit niyo po ba ginagawa ito? Kakalaya niyo lang, hindi niyo po ba alam na makukulong kayo ulit dahil dito? At mas malala pa ang pwedeng sentensya sa inyo. Kaya po maghunos dili po kayo, baka pwede naman po natin itong pag-usapan?"

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon