14 : history

2.6K 87 7
                                    

Gulat pa rin akong nakatingin kay Kleo. Ano iyong sinabi niya?

"Release him," dinig kong sabi ni Onyx at nalipat muli ang tingin ko sa kanila.

Binitawan na nung dalawang lalaki si Slade kaya naman napaluhod ito doon sa semento. Samantalang naramdaman ko ring kinalas na ni Denver ang pagkakatali sa akin.

Walang anu-ano'y naglakad na papalayo si Onyx, kasunod 'yung mga kasama niya, iniwan kaming tatlo doon. Si Slade, ako at si Kleo.

Nagmadali akong pinuntahan si Slade. And my heart fell when I saw he was throbbing in pain. Hawak-hawak niya ang tiyan.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko sa kanya. "I need to bring you to the hospital."

Inangkla ko ang isang kamay ni Slade sa balikat ko at sinubukan siyang itayo. But fita, he was heavy. Right then and there, Kleo came to his other side and helped me.

Ngumiti ako sa direksyon ni Kleo. "Salamat."

Tipid na ngiti ang sinagot nito sa akin saka namin pinagtulungan na dalhin si Slade sa kotse.

Si Kleo na ang nagdrive papuntang hospital. At ngayon nga'y nandoon si Slade sa emergency room, tinitingnan na ng doktor habang kami ni Kleo ay nandito sa labas naghihintay.

Napatingin ako sa kamay ko, mayroon pang naiwang marka mula doon sa pagkakatali sa akin. Hindi naman na iyon masakit.

Maya-maya'y mayroong bote ng tubig ang nag-appear sa harapan ko. Inangat ko ang tingin at nakita ang nakangiting si Kleo. Kinuha ko 'yung bote mula sa kanya. Siya nama'y dumiretso doon sa kalapit na bench at umupo.

"Tara," aya niya sa akin saka tinapik 'yung katabi niyang pwesto.

Sumunod na rin ako doon at umupo. Binuksan ko 'yung bote at uminom na rin. Napatingin ako kay Kleo, malayo ang tingin niya. Parang mayroong malalim na iniisip. Akala ko nga'y hindi niya napansin ang pagtingin ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita, "Nagtataka ka na ano?" tanong niya saka dinugtong, "Kung anong meron sa amin ni Onyx. Kung bakit ko nasabi 'yung kanina."

Tumango ako. Napahinga naman ng malalim si Kleo at tiningnan ako. "May history kami ni Onyx," amin niya. "Bestfriends turned to lovers turned to strangers."

Umiwas na siya ng tingin saka muling napabuntong-hininga. "Sobrang in love namin noon, high school days," patuloy niyang kwento. "Kaya nga ang bilis naming binura yung linya. You know, that line between friendship and love."

"We were okay nung nag-uumpisa kami, pero unti-unting nagbago noong nagsimula 'yung college..."

Nang matagalan bago magpatuloy si Kleo ay hindi ko na napigilan ang sariling magtanong. "What happened?"

A deep sigh first. "Narecruit siya doon sa fraternity, Omicron. Ang totoo, mula nung malaman ng iba't ibang frats sa university kung sino si Onyx, halos lahat sila pinag-agawan siya. But in the end, it was Omicron which succeeded. Then I don't know, maybe, he's so much overwhelmed of the attention, yung power na nabibigay bilang isang Peralta at member ng frat, nagsimula siyang gumawa ng mga bagay-bagay na madalas pinagtatalunan namin."

"Sumasama siya sa mga away, nagsimula siyang magparty, nawalan na siya ng oras sa akin. Sa school, kasama niya 'yung mga frat brothers niya. Sa labas ng school, kasama niya pa rin sila."

Tumingin sa akin si Kleo. "Doon nagsimula 'yung stress ko. Pero pinakamalala nung may nagbalita sa akin na classmate ko na may ginagawang kakaiba si Onyx sa isang party. I mean I endured it. Lahat. Yung kawalan niya ng oras sa akin, yung pagpaparty niya. But not when he's cheating with me."

"Hindi ako makapaniwala noon, CN," sabi ni Kleo. "Kahit pa maraming nag-iba kay Onyx, hindi naman niya kinakalimutang sabihin sa akin na mahal niya ako. But even I doubted my classmate then, pumunta ako doon sa party kung nasaan si Onyx."

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon