11 : wine

2.7K 105 20
                                    




I miss her too.

Those words kept on replaying in my head.

Ang totoo, buhat nang marinig iyon mula kay Slade ay hindi na iyon tumigil sa isipan ko.

I miss her too.

At kahit kumalma na ang puso ko'y hindi pa rin nawawala 'yung paglipad ng kung ano sa sikmura ko. Pasulpot-sulpot ang kung anong mga insekto doon, nangingiliti. Mga insektong binuhay ng pagdating ni Slade.

Naalala ko na naman ang kanina. Hindi man lang ako nakasagot kay Slade. Dahil bago pa man ako makapag-react ay bumalik na siya doon sa pwesto niya kanina at tinuloy ang laro laban kay Lolo.

Ako nama'y tumabi kay Mama sa kabilang side ng sala at walang imik na nanood din ng laro. Kahit pa ang atensyon ko'y wala naman talaga doon dahil lumulutang talaga ang isipan ko.

Ganoon pa rin ang ayos ko, kunwari'y tutok ang atensyon sa naglalaro pero ang totoo'y wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Hindi ko nga alam kung sino na ang nananalo.

"Ano ba yan!" bulalas ni Lolo na nakaagaw ng atensyon ko. Napatingin ako sa kanya at nakita siyang napailing-iling. "Nakatyamba ka na naman!"

Medyo may himig pa ng pagkadismaya ang boses niya. Samantala ay natawa naman si Slade. "Wag po kayong mag-alala," sagot niya kay Lolo. "Sa sunod kayo naman po ang makakatyamba."

At pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa. Nakita kong tumayo si Lola at nagsabi na tumigil muna sa laro dahil malapit na ring maghapunan. Kinuha rin ni Lola ang atensyon ni Mama at nagpasama sa kusina para tulungan si Manang Seling sa pagluluto. Habang si Lolo naman ay tumayo rin at nagsabing magpapalit lang ng damit dahil napagpawisan ng todo sa match nila ni Slade.

At nang tumingin na si Slade sa pwesto ko ay doon ko lang napagtanto na dalawa na lang pala kaming naiwan dito. Okay.

Nag-iwas ako ng tingin. I felt awkward and I didn't know why. At alam kong inalis na rin ni Slade ang tingin sa akin dahil hindi ko na nararamdaman pa ang pag-init ng balat. At isa pa, narinig ko na rin ang tunog ng nag-uumpugang mga kahoy. Inililigpit niya na 'yung chess pieces.

I hesitated. Gusto kong tumayo at tulungan siya pero tila naglue yung pang-upo ko sa kinauupuan at hindi ako makatayo.

So in the end, I sat there silently until Slade put the last piece in the chessboard then closed it. Sunod kong narinig ang pagpatong nun sa center table. He was done. And I was still sitting here awkwardly. Ano ba, CN?

Nasa sahig pa rin ang tingin ko, na tila may sinisipat doon nang magsalita si Slade. "Celestine."

Like his voice brought some kind of magic, I lifted my eyes, meeting his gaze.

At nang mga oras na iyon ay parang nais kong matunaw. It was the look in Slade's eyes that he's giving me now. Sandali pa kaming nagkatitigan. Walang nagsasalita. Ako, dahil hinihintay kong dugtungan niya ang paunang pagtawag sa pangalan ko.

Binuka ni Slade ang bibig. But when he's about to talk, Lola's voice rang out. "CN, why don't you get a red wine in the cellar? Yung favorite ng Lolo mo."

Napunta ang tingin ko kay Lola na nasa tarangkahan na ng sala. She was now currently wearing an apron, a spatula in her right hand.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Okay po."

She smiled back then was about to go back to the kitchen when she stopped. Tumingin na naman siya sa akin - no, kay Slade. At may ngiti pa rin sa labi na sinabing, "Slade, accompany CN. Hindi mo pala nararating yung cellar 'ano?"

A slight shake of head from Slade.

"Perfect timing," sagot ni Lola. "CN, isama mo si Slade. And Slade, pick whatever drink you like."

We Just Are (GU #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon