∞ Cass ∞
6 months later....
> Alam niyo ba bakit?? WAAAAAHHHHH
Magpartner si Trisha at Charles sa bagong movie na gagawin ng tita at director na malapit kay Charles waaaahhhhhh. I just can't believe na umaasenso na si Trisha sa acting skills niya lalo na ung trailer!!!! May kissing scene sila waahhhh!!!!!! Grabe ang gwapo talaga niya tapos ang ganda ganda ng kaibiganko huwah!!!!!!!!! After 6 months ay may movie na silang gagawin at November na pala. Sa eksaktong birthday daw ni Trisha iyon ipaalabas. Nag-umpisa na pala sila nung September pa lang kaya kalahati na raw sila sa taping.
Ang title ng movie nila ay "See You Again" iyan ang title. Ang plot ay mag childhood friend sila, Si Oapler (Pronounce as: O - weyp - ler) na ang gaganap si Trisha at si Geroce (Pronounce As : Jay - Ros) na ang gaganap ay si Charles, na naghiwalay dahil sa malakas na earthquake then magkakaroon ng tsunami, asa first batch kasi ng helicopter si Geroce kaya hindi na abutan si Oapler ng helicopter, ang akala ng lahat eh namatay siya dahil sa tsunami na yun pala ay nakaligtas. Yumaman si Oapler at nagkita sila ni Geroce pero hindi nila kilala ang isa't isa hanggang bumalik sila sa lugar kung saan nangyari ang lahat kasi parehas silang may amnesia. Basta maganda.
Yung trailer pa lang maiiyak ka na eh, nakakaiyak kaya sa ganda lol >U<. Then sabi ni Trisha sa akin, nagka-usap na sila ni Charles. Kinikilig ako para kay Trisha at Charles fan na nila ako.
Simula pa lang naman noong una, alam ko sila na eh, yung meant to be.
∞ Trisha ∞
> I can't still believe that we are talking and seeing each other again, at palagi kaming nagbo-bonding lalo na roon sa bagong movie namin na See You Again. Kalat nga agad ung trailer kahit sa Pilipinas, hahahahaha. May 10 kissing Scenes doon eh hahahaha. Nakakakilig kaya. I mean pumayag ako kasi ilang beses niya na ako nahalikan, kupal iyan. Enjoy naman siya eh.
Actually ang tagal na rin ehh tapos palagi kaming nag-uusap ayun nagnanakaw pa rin siya ng halik sa akin heheh. Ako naman pinapabayaan ko lang. Enjoy ko eh, charot lang.
Landi ko sheeeeeettttt. May bago ba roon?? charot. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Supresahin ko kaya si Charles?? Huwahahaha.I laugh at myself at dumiretcho sa CR. I take a shower at pagkababa ko, pinlantsa ko yung buhok ko tapos nagmake-up, simple lang naman, black eyeliner at black mascara. I put my red lipstick hahahaha.
I wear a high waisted short and off - shoulder na damit na puti. I wear my addidas at bumaba na. I have my own car tinuruan na ako ni Charles mag drive. Isa iyon sa bonding moments namin.
Dumiretcho ako sa condo nila, ay shet may mga reporter. I wear my glasses at cap. Dumiretcho ako sa elevator, pagbukas ko nakasalubog ko si Charles, nagulat siya siyempre papahuli ba ako, nagulat din ako haha.
"Anong ginagawa mo rito??" tanong niya. "Isu-suprise sana kita hehe mukhang ikaw rin ahh??" sabi ko kaya napakamot siya ng ulo at tumawa. Bumaba kaming dalawa dahil kakain kami sa labas. Kaya lang na spot kami ng reporters ayun pinagkaguluhan kami. Medyo nagulat ako tas puro mura na ata lumabas sa bibig niya pero mahina lang naman.
Yung iba tinatanong kung bakit kami magkasama, yung iba naman ano raw status ng relationship kaya natawa na lang ako. I smiled at them at umalis na kami. We laugh at them. Kasi naman ang bilis namin makarating sa restaurant pero nakasunod pa rin sila. Kain kami ng kain and I can sense ang daming kumukuha ng photo. Trending na naman kami nito mamaya, pagkatapos namin bumalik na kami sa condo. Tumambay naman ako pero saglit lang tas umuwi na ako. Nakakakilig kaya para kaming magbf at gf. Basta hindi parin ako makapaniwala na bumalik na kami sa rati at mas lalong naging close. Ghaaddddd. Nakakakilig. Sorry na, walang label though we decided to do small steps. Parang kalma lang. Hindi namin kailangan magmadali and we're contented with that already.
-
Fin.
BINABASA MO ANG
Glasses To Microphone
Teen FictionI'm Tristan Shanlie Mendoza, or known as the NERD in our school. I'm the nerd and he's a popular, I'm poor while he's effin rich... I love him, yeah stupid right? I love him but I know I never exist in his life... Then one day, ny dream, na sana pan...