∞ Trisha ∞
> Nagising ako dahil sa malamig na tubig na naramdaman ko sa katawan ko. Binuhusan na pala ako ng mga walang hiyang ito. Nakaupo pa ako sa semento kaya ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko, lalo na sa parte ng mga binti ko.
"Good Morning prinsesita!!" sigaw sa mukha ko ng isang pamilyar na tao. Ito na naman tayo. Hindi niya talaga ako titigilan ano??
"Kumusta tulog?? Hahahaha siyempre masarap iyan for sure, kaso kailangan ko putulin ang mahimbing mong tulog dahil baka mapasobra, hindi ka magising. Hindi pa nga tayo nagsisimula eh." nakangisi pa niyang dagdag, I just keep staring at her. This pathetic woman.
"Dahil panira ka sa buhay ko. Ipapadala na kita sa langit dahil wala na ring saysay. Hintayin lang natin ang pinakaminamahal mong Charles. Tsk tsk tsk... parehas din kayong mawawala!! " sigaw niya.
Kinabahan tuloy ako bigla. Si Charles, paano sila kuya, at sila tita. I can't lose them.
"Anyway, maiwan muna kita, may aasikasuhin lang ako saglit. Huwag ka mag-alala, babalikan kita agad para magsaya." I need to escape!!
∽ Charles ∽
> Pupunta kami ngayon sa isang lumang factory katulad ng sabi ni Quencess.
Ako, Jethro, Kade, Cliche, at Thaddeus.
May kasama kaming pulis pero asa malayo lang sila, baka kasi magkagulo lalo at maging delikado pa kay Trisha, we can't lose her, I can't, hindi ko kakayanin.
Pagpunta namin doon, unang sumugod si Kade at Cliche sa mga nagbabantay. Kaming tatlo naghiwa-hiwalay para makita agad si Trisha.
May nakita akong lalaki na nagbabantay sa isang pintuan. Dahan dahan akong pumunta sa kanya at sinipa ang likod niya at sinuntok ng malakas.
Pagbukas ko roon. Andoon si Trisha nakatali na mukha ring sinusubukang tumakas.
"Trisha!!" mahinang sigaw ko rito. Pakurap kurap pa siya nung nakita niya ako. "Charles, ba't ka pumunta rito?! Delikado!!" naiiyak niyang sambit, ngumiti lang ako at tinulungan siyang tanggalin yung tali. Sabay kaming lumabas at humanap ng daan para makalabas. Nagulat na lang ako ng may sumuntok sa akin.
Shiiitttt malaki laki ito.
∞ Trisha's PoV ∞
> Nagulat ako ng biglang tumalsik si Charles. Nasuntok na pala siya ng isang malaking tao.
Crap!! Malaki laki ito!!!! Tutulungan ko na sana siya ng may humila sa braso ko at sinampal ako, halos umikot ang paningin ko sa lakas ng sampal.
"Walang Hiya ka!!" napasigaw ako nang ganoon sa galit bago ko siya sinipa sa may gitna niya at hinubad yung sapatos ko at hinampas iyon sa mukha niya nang malakas at paulit-ulit.
"Trisha!!" sigaw ng isang pamilyar na boses, napatingin naman ako roon at nakita si Thaddeus at Jethro.
Teka si Jethro??
"Anong ginagawa mo rito??" nalilito kong tanong.
"Nililigtas ka/Siya ang tumulong para malaman namin kung saan ka dinala ni Quencess." sabay nilang sagot.
Tumango na lang ako.
"PIGILAN NIYO SILA!!!!! HAYOP KA JETHRO!!!" sigaw ni Quencess at lalong dumami ang mga kalaban. Dumating sila Cliche at Kade at tumulong na magpatumba. Ako naman ung heels ko ang gamit ko, buti na lang kahit papaano marunong ako mag self-defense. Matibay rin pala itong heels na ito.
Nagulat ako ng may humila ng buhok ko.
"HALIKA RITO MALANDI KA!!" boses ni Quencess na hila-hila ang buhok ko. Tinadyakan ko siya sa tuhod at tinadyakan ko rin siya sa bewang.
Tumakbo ako sa may mga drums.
"TRISHA?!? ASAAN KA!?!?!" sigaw nito.
"TRISHA LUMABAS KA NA" sigaw ulit nito.
"ANDITO KA LANG PALA" sa gulat ko nasapak ko siya at narinig ko siyang umungol sa sakit.
"LINTIK KA!!!!" sigaw nito. Biglang sumakit ang ulo KO dahil sa binato niya. Sapatos pala iyun. Puta rubber shoes pa.
Nagulat ako ng tutukan niya ako ng baril.
"Ngayon. Sigurado akong patay ka na. Tatapusin na kita." nakangisi niyang sambit.
"Quencess. Puwede namang siguro pag-usapan na lang natin ito please." sabi ko dito.
"Pag-usapan?? Ha!! Kung kailan huli na lahat?! Sorry huh?? Hindi kasi sa akin uso ang paki-usap, sinira mo ang buhay ko." pinutok niya ung baril sa lapag at napasigaw ako.
"Quencess mag hunos dili ka pwede ba?? Once na pinaputok mo iyan, you will face a lot of consequences!! Pwede kang makulong!!" sabi ko rito, I tried looking around para magamit pero wala na talaga, na-corner na ako. Ngumit naman ito.
"Okay lang naman na makulong ako. Kung para naman sa kanya diba?? Tsaka walang wala na ako." tinutok niya ang baril sa akin.
"Alam mo, kaysa magsatsat ka riyan just say your last words." sabi nito. Nanginig ako sa sinabi niya.
"Quencess, Please... stop... magsisisi ka lang, I swear." sabi ko rito.
"QUENCESS!!!" sigaw ni Thaddeus kasama ang tatlo.
Shiiiitttt.
"Say goodbye Thaddeus sa pinakamamahal mongkakambal." sabi nito. Pinutok niya ang baril at pumikit na lang ako.
Goodbye...
-
Fin.
BINABASA MO ANG
Glasses To Microphone
Roman pour AdolescentsI'm Tristan Shanlie Mendoza, or known as the NERD in our school. I'm the nerd and he's a popular, I'm poor while he's effin rich... I love him, yeah stupid right? I love him but I know I never exist in his life... Then one day, ny dream, na sana pan...