(6)

17 1 0
                                    

Hindi ako nagpa-apekto sa mga sinabi sa akin ni Seth two days ago dahil sinabi ko kay Axel ang tungkol duon sa nangyari. Lahat lahat maliban na lang sa part na binuhat ako nung pinsan niyang matapobre. Pagkatapos malaman ni Axel, aalamin daw niya kung ano yung mga nasa pakete na binayaran ng pinsan niya at kung sino yung mga lalakeng nagbenta nito.

"Parehas kayo ng aura ni Seth," bulong sa'kin ni Trinity.

Kunot-noo ko ito tiningnan at tumingin din sa puwesto kung nasaan nakaupo si Seth. Parehas kami ng aura? Huh?

"Ang dilim ng aura niyong dalawa. Parang naghahanap kayo ng gulo parati," paglilinaw nito sa'kin. Napansin niya siguro yung naguguluhan kong itsura duon sa sinabi niya. "Bagay talaga kayo," dugtong naman nito.

"Last mo na yan ha?"

Siniko-siko naman niya ako sa tagiliran habang nagpipigil ng ngiti niyang mapang-asar. Mukha na siyang ewan sa ginagawa niya.

"I'm shipping you both," nakangisi niyang sabi.

Hindi ko na lang siya pinansin kaya napilitin ako makinig sa tinuturo ng teacher namin sa Philippine History. Yep, you heard it right. I'm really listening to my teacher at the moment para lang tumigil 'tong katabi ko sa kakaasar sa'kin.

Nagbigay ng homework si Sir Macay sa'min tungkol sa mga naging presidente ng Pilipinas. Buti nga lang hindi ako sinita kasi nakita niya yatang nakikinig ako. Siguro iniisip niya na himala itong araw na ito para sa kanya dahil ang isang Verena Imani Arquiza ay nakikinig sa lesson niya.

Inayos ko na yung gamit ko at sinabayan na ako ni Trinity lumabas ng room. Nagpaalam muna siya na may ilalagay siya sa locker niya kaya nauna na akong pumunta sa canteen.

Pinaikot-ikot ko yung paningin ko sa loob ng canteen para maghanap ng mauupuan. Ayun may isang table sa dulo!

Ibinaba ko yung dala kong libro. Oo, may dala akong libro at oo, nagbabasa ako. Mukha lang akong pasaway pero may serious moment naman ako sa buhay at dinadaan ko iyon sa pagbabasa. Hindi ba kapani-paniwala? 'Edi h'wag kayo maniwala.

May naglapag naman ng tray sa table namin. Akala ko nung una si Trinity pero mali pala. It was none other than the devil itself, Seth Tuazon. Bakit dito naman 'to umupo sa puwesto namin!?

"What are you doing!?" iritable kong tanong sa kanya na naka-urong yung mukha ko sa kanya.

"What do you think?" sambit niya at kumagat siya sa burger na kinakain niya.

Walang hiyang lalake na 'to! Tinatanong ko tapos sasagutin din ako nang patanong.

"Hindi tayo close para maki-upo ka sa table namin," I hissed while crossing my arms against my chest.

Tinaasan naman niya ako ng kilay at ibinaba niya yung kinakain niyang burger. "May sinabi ba akong close tayo?" tamad nitong sabi.

"Hoy, Tuazon. Tigil-tigilan mo ako sa pamimilosopo mo ah," banta ko rito pero wala lang ito sa kanya. Argh! Nakakainis!

I huffed and started mumbling bad words about him. Mabilaukan ka sanang lalake ka!

"I know your mumbling bad things about me..."

Naibalik naman yung atensyon ko sa kanya. Kunot-noo kong pinagmasdan yung mukha niya. It's not really my intention to study his face unexpectedly. Oo, gwapo siya kaso balasura lang talaga yung ugali.

"And stop ogling," angal naman nito habang naka-ngisi.

Napakurap naman ako ng ilang beses sa sinabi niya. What the fuck! Nakakahiya naman. Bad eyes. Bad bad eyes! Imbis na tuluyang mapahiya, I chose the latter: depensahan ang sarili kong kahihiyan. May reputasyon din akong inaalagaan 'no!

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon