(9)

6 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas. Dalawang araw ding hindi pumasok si Trinity pero ngayong araw pumasok na siya. Nung isang araw ko siya nahuling may kausap pero sa pangalawang absent niya, ni anino niya hindi ko nakita. Paniguradong hindi talaga siya pumasok. There's no hidden agenda.

Ngayon, napansin ko na medyo tahimik si Trinity. Baka talaga nagkasakit siya? Masyado lang yata akong nag-iisip nang kung anu-ano. Baka naman may nag-utos lang sa kanya at umuwi na siya agad nung mga oras na iyon. Ako lang yata naglalagay ng malisya sa ginawa niya.

"Rena, na-miss mo ba ako?" tanong nito habang naka-pangalumbaba sa armchair ko at may halong mapang-asar ang mga ngiti nito sa'kin.

Inirapan ko naman siya. Tumawa ito sa naging reaksyon ko.

"Aminin! Alam mo ba mas magandang sinasabi kung ano talaga yung nararamdaman mo kaysa yung kinikimkim mo lang..." tinusok-tusok niya yung tagiliran ko, "ayiiee! Miss niya ako oh!"

"Nagkasakit ka lang naging ganyan ka na. Malala na yan," pang-aasar ko.

It's not really my thing... you know... showing my emotions. Hindi ako sanay. No, scratch that! I'm an apathetic person but when it comes to my love ones, ibang usapan na 'yan.

"Hmph! Minsan na nga lang akong umabsent tapos hindi mo man lang ako na-miss."

Here she goes again. Doing that kind of tactic para lang mapaamin ako. Unfortunately, hindi tumatalab sa'kin. Hindi ko naman kasi kailangan pang sabihin kasi nakikita naman sa mga mata ko yung sagot. Kahit ang bestfriend ko alam na kung ano ang nararamdaman ko base sa aking mga mata.

"Trinity, we've been friends for a long time. So, kilala mo na ako," pagtatama ko sa kanya para matahimik na siya sa pang-aasar.

"Alam ko! Pero sana naman ipakita mo minsan na mahalaga ako bilang kaibigan mo..."

"Trinity."

Naramdaman niya na siguro yung finality sa sinabi ko. Ayaw ko na ng makulit. Ayaw ko yung namimilit. Nakakairita.

"Heto naman! Joke lang!" Niyakap niya yung braso ko at ngumisi-ngisi. "Alam ko naman na mahal mo ako, e. And I know, for a fact, that you truly missed me."

I rolled my eyes for the nth time. Simula kasi nung umaga, which was our homeroom, wala nang ginawa 'tong si Trinity kung hindi mangulit pero minsan naman bigla na lang tumatahimik. Baliw na yata kaibigan ko. Naparami yata sa gamot kaya ganyan.

"Kamusta ka nga pala?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa braso ko at tumingin sa akin. Alam ko na nagulat siya kasi once in a blue moon lang ako nangangamusta. Ang saya ko maging kaibigan 'no?

"Uhm... o-okay naman na yung pakiramdam ko," umiwas siya ng tingin at pinaglaruan niya yung daliri niya. Saglitan niya lang iyon ginawa dahil tumingin siya ulit sakin na may malalapad na ngiti sa kanyang labi. "Ikaw ah, you're improving! You're now asking my well-being."

I scoffed at her statement.

"Last time mo kaya akong kinamusta, two years ago."

"After two years kakamustahin uli kita. Happy?"

Ngumuso ito sa sinabi ko. "Ang sweet mo talagang kaibigan!" kinurot niya yung braso ko na ikinainis ko naman.

"Sadista ka talaga..."

"Don't worry, masokista ka naman, e. Love mo naman ako," pang-aasar nito sa'kin.

"Gusto mo palit tayo? Ikaw yung saktan ko?"

Itinaas agad niya yung dalawang kamay niya at medyo lumayo sa'kin. She plastered a faint smile while looking at me.

"He-he. Joke lang! Hindi ko na nga uulitin, e."

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon