(12)

2 0 0
                                    

Pagkadating ko sa room nakita ko si Trinity na nakatulala sa kawalan. Habang tumatagal nagiging tahimik na din siya. Hindi ba't naging human CCTV na naman ako pero wala na akong nabalitaan na may kinakausap ito na lalake katulad nung nahuli ko siya.

Binagsak ko yung bag ko sa gilid ng upuan ko at tamad na umupo. Gusto ko muna matulog kahit saglit pero gusto ko muna kausapin ang kaibigan ko.

Hindi ako napansin ni Trinity. Namanhid na din yata 'to. But seriously, may problema ba siya?

Umupo ako ng maayos at itinukod ko ang aking siko sa armchair niya at nakahalumbaba. Kinalabit ko ito sa kanyang braso at napaitlig naman ito ng bahagya sa gulat.

"H-hala! Ikaw ba talaga yan, Rena?" gulat niyang tanong.

Tumango-tango ako sa tanong niya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi naninibago na ako kay Trinity.

"Himala ba?" tanong ko habang naka-ngisi.

Iniayos niya ang kanyang upo at humarap sa gawi ko. Tumawa siya ng bahagya na parang napilitan lang. Napansin ko din yung ngiti niya na pilit. She's acting strange...

"I knew you'd be early," malumanay nitong sagot. Teka, expected na ba niya na maaga ako ngayon?

"Huh?"

"Ahh kasi ano... k-kasi alam ko! Parang 'di ka naman sanay sa ugali kong ganito," masigla niyang sagot. She has a point though.

"Ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ba?" Tinanggal ko ang pagkakahalumbaba ko at hinalukipkip ang aking mga kamay. "Pwede mo naman sabihin sa'kin."

May halong pagtataka ang mga tingin nito sa'kin.

"Wala naman akong problema. Kulang lang ako sa tulog ngayon kaya natutulala ako," sagot nito.

Halata naman na ayaw niyang sabihin. If she doesn't want to tell me, I will not meddle to her personal problems but in case she needed someone to talk to, I'm always here for her.

"Ahh. Okay," matamlay kong sagot habang sumandal ako sa upuan ko at pinikit ang aking mga mata, "matutulog muna ako saglit."

She nodded and didn't say anything kaya mga ilang segundo ay nakatulog na ako.

***

Naging maayos naman ang takbo ng araw. Maraming pinapagawa ang mga teacher namin ngayon dahil nalalapit na ang mid-exams.

After two months, Christmas break na. At paniguradong wala na din yung pinsan ni Axel dito.

Habang naglalakad pauwi, pinagmamasdan ko ang mga grade school students na kasama ang kanilang mga magulang na sumundo sa kanila. Napaismid naman ako at binaling sa iba ang aking atensyon.

Pagkarating sa bahay nakita ko si tita Precy na nag-aayos ng mga gamit sa may sala.

Napatigil sa pag-aayos si tita nung narinig ako nitong dumating. Inayos niya ang kanyang salamin at ngumiti sa'kin.

"Sabayan mo na si Kaitlin kumain sa may kusina."

"Sige po, tita."

Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos at ako naman ay dumiretso muna sa kwarto ko para magbihis. Ibinaba ko ang aking bag sa may higaan at kumuha ng damit sa tukador. Lumabas ako pagkatapos at dumiretso sa may kusina.

Agad kong kinuha ang isang toasted bread with nutella spread na kakatapos lang gawin ni Kaitlin. Nanlaki naman yung mga mata ng pinsan ko nung kinagatan ko na ito.

"Ate!"

"Thank you, little cousin," ngumiti ako habang pinagpatuloy ang pag kain sa ginawa niyang tinapay.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon