(7)

24 1 0
                                    

Ibinigay nga sa'kin ni Seth yung project na tinapos niya mag-isa nung lunch break namin. Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa kanya... sa pagmumukha niya. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa kanya? Tanga na lang ang hindi magalit sa kanya kapag minamaliit ka ng isang tao tapos may ginawa din siyang hindi maganda kanina.

Earlier, naka-salubong ko kasi siya sa hallway. Okay na sana, e. Medyo nawala na yung init ng ulo ko sa kanya. Kaso itong walang hiyang lalake na ito, mas lalong pinainit lang yung ulo ko. Sabihan ba naman akong tibo. Oo, tibo. Tomboy. Lesbian.

Kaya hanggang ngayon hindi mawala-wala yung init ng ulo ko. Hindi lang init ng ulo, para akong bomba na anytime pwedeng sumabog. Isang pitik na lang makakasakit na ako ng tao. And I'm praying to all saints and even God for helping me to control my anger kasi pati si Trinity nabubuntungan ko ng galit. However, my friend can handle this—my attitude.

Right now, I'm giving deathly glares to Seth. Wala nga siyang kamalay-malay sa ginagawa ko sa kanya. Masamid sana siya! Ay hindi! Ma-choke sana siya! Argh!

"Hoy," kinalabit ako ni Trinity kaya napalingon ako sa kanya na hindi pa rin nawawala yung masasamang tingin ko, "chill ka nga lang, Rena. Kulang na lang patayin mo si Seth sa ginagawa mo."

"You know why I'm being like this to that jerk," I hissed.

"I know..." buntong niya at saka humalumbaba sa desk niya, "pero sana hinay-hinay lang. Yung totoo, ikaw ba talaga yung kaibigan ko? Nagpapa-apekto ka sa sinabi niya?"

Inirapan ko lang siya pero bago ako tumingin sa teacher namin, dinaanan ko muna ng tingin si Seth. At ayun, nakatingin din pala sa'kin ang hinayupak na lalake. I saw him mouthing something to me...

What's this buffoon saying?

Nakita ko na napansin niya yung pagtataka sa mukha ko kaya tumawa siya nang mahina at umiling. Honestly, mukha siyang ewan. Kung may makakapansin sa kanya ng isang classmate namin ngayon baka isipin nila baliw na si Seth. Imbis na alamin ko kung anong kalokohan ang pinagsasabi niya sa'kin, inilipat ko na lang yung mga tingin ko sa teacher namin. Last subject ko na lang naman ito kaya pagtitiisan ko na lang na makinig kaysa uminit yung dugo ko sa lalakeng nasa kabilang side nakaupo.

***

Pagkatapos ng class, umuwi muna ako para magpalit ng damit at magdala ng extra t-shirt kasi pupunta ako sa dorm ni Axel. I need to cool off for awhile. Tutal weekend naman kaya pwede akong umalis ng bahay. Pinapayagan naman ako ni Tita Precy kasi parang anak na din ang turing niya kay Axel at pinagkakatiwalaan niya rin yung best friend ko.

Medyo malayo yung pinapasukan ni Axel dito sa lugar namin. Tatlong sakayan nga lang bago makarating sa dormitory niya.

Habang nasa biyahe, nagtipa na ako ng text kay Axel na pupunta ako sa dorm niya. Medyo nagulantang yata yung best friend ko kasi ngayon ko lang siya sinabihan.

Hoy, Imani! My place is a little messy right now. Bahala ka na lang mag-tiis. Hehe.

Napa-iling na lang ako sa reply sa'kin ni Axel. May pinagmanahan talaga yung pagiging magulo ko sa kwarto. Best friend nga talaga kami. Same habit.

Medyo matagal-tagal pa yung biyahe papunta sa dormitory ni Axel kaya ibinaling ko na lang yung atensyon ko sa mga nadaraanan namin na lugar, mga establisyamento, mga puno't bahay, at mga kotseng nakakasabay ng jeep. Pangtanggal ng bagot.

Habang nakatingin sa labas ng jeep, may napansin ako sa gilid ng aking mga mata. Pakiramdam kong may nakatingin sa'kin. But I didn't bother to look at that person para hindi niya mahalata na alam ko yung ginagawa niya.

Pero ayaw ko isipin na minamasid niya ako kasi baka napatingin lang siya sa'kin kaya hinayaan ko na lang.

Bumaba na ako sa unang jeep na sinakyan ko at pumila sa susunod na sasakyan ko na jeep. Ngayon medyo iniisip ko na sinusundan ako nung lalake kasi nung bumaba ako sa jeep, bumaba din siya. He's creeping me out. Really.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon