(1)

34 1 0
                                    

"Rena," tawag sa'kin ng isa kong kaklase. Umayos naman ako sa pagkakaupo at tiningnan kung sino ang tumawag sa'kin. "Pumunta ka daw sa Teacher's Faculty mamaya sabi ni Sir Macay," dugtong nito.

Winasiwa ko ang aking kanang kamay para sabihin na okay. Tutal wala naman kaming teacher ngayon—este may substitute pala kaming teacher pero wala namang ginagawa, ayoko munang may kumakausap sa'kin.

Inilabas ko ang aking cellphone sa aking bulsa at nagtipa para sabihin kay Axel na magkita kami mamaya. Same place, 5pm.

Habang hinihintay ang reply nung mokong kong best friend, naglaro muna ako sa cellphone ko. I don't do rules in this school kaya parati akong pinapapunta sa detention or community service sa canteen.

"Miss..." napatingin naman ako sa teacher namin na tinitingnan yung seating arrangement. "Miss Arquiza," aniya nito at tumingin sa direksyon ko.

"Cellphones or any gadgets are not allowed to use inside the classroom," taas kilay nitong sabi sa'kin at inilahad ang kanyang kamay. I grunted and stood on my chair at dumiretso sa harapan para ibigay yung cellphone ko. Epal! "Thank you, Miss Arquiza. You may go back to your seat," nakangiti nitong sambit. I rolled my eyes when I turned my back at her.

Hindi lang naman ako yung gumagamit ng cellphone dito sa loob ng room. Masyado niya akong favorite. Note the sarcasm in there.

"Nagpahuli ka na naman," bulong ni Trinity sa'kin at umiling. Si Trinity lang ang nag-iisang babaeng tumabi at tumagal sa'kin. Ewan ko ba sa mga iba kong kaklase. Feeling kasi nila nakakahawa yung pagiging rebelde ko sa school na 'to. Well, it's not my fault kung ayaw ko minsan sumunod sa rules and regulations dito.

"Malay ko bang epal yang substitute ni Miss Quizon."

"Shh! H'wag ka nga magsabi ng ganyan at baka marinig ka ni Ma'am. Baka ipapunta ka na naman sa Guidance," aniya nito habang tinitingnan yung teacher kung narinig ba yung sinabi ko. "Rena, alam mo naman na nasa bingit ka na at ipapatanggal ka na dito sa school. Ayoko mawalan ng kaibigan," dugtong nito.

Ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya at ngumisi. "Alam mo, Trinity, h'wag ka ngang mag-alala kasi nakakadagdag ng wrinkles yan," biro ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo, Rena," angil nito at inirapan ako na ikinatawa ko naman.

Lumipas ang isang oras at laking pasasalamat ko na aalis na yung epal namin na substitute. Kaso makukuha ko lang yung cellphone ko kapag nakausap ko na yung Guidance Counselor. Ano ba yan! Imbis na didiretso na lang ako sa canteen at kakain. Pero bago pa ako makalabas sa room...

"Miss Arquiza, kunin mo na lang mamayang uwian yung phone mo sa advicer niyo," sambit nito na ikinaliwanag naman ng mukha ko. Yes!

"Okay po."

Buti na lang sa advicer ibibigay yung cellphone ko. Plus points of being a good teacher sa'kin 'tong substitute ni Miss Quizon. Hindi na siya epal, medyo na lang ang pagiging epal niya.

Dumiretso na ako sa canteen para pakainin na ang aking mga alaga sa tiyan. Bago ako makapasok sa loob may kumawit naman sa kamay ko at napalingon naman ako sa kung kaninong kamay naman ito.

"Kanina pa kita hinihintay," aniya ni Trinity. Kahit kelan talaga 'tong babae na 'to. Kulang na lang maging multo siya dahil ang hilig sumulpot bigla bigla. "Let's eat!"

Nagpatianod naman ako kay Trinity. Hinayaan ko siya hatakin niya ako sa loob ng canteen hanggang sa makapunta kami sa isang lamesa. Kung papansinin niyo yung canteen namin, halu-halo lang naman kami dito. Walang label yung puwestong inuupuan mo maliban na lang sa baskteball team na nasa gitna. Kulang na nga lang pagdikitin silang lahat nung coach nila kasi hindi sila mapaghiwalay.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon