(8)

11 1 0
                                    

Tulad nga ng sinabi ni Axel, hinatid niya talaga ako. Medyo natagalan din siya sa bahay kanina kasi nakipagkwentuhan pa si tita Precy sa kanya. Favorite kasi ni tita 'yang si Axel.

Take care of yourself, Imani. I'll stop by some other time. Okay?

Iyan lang ang tinext sa'kin ni Axel nung makauwi na ito sa dormitory niya.

Buti nga lang hindi ako inusisa ni tita kanina nung dumating kami sa bahay. Mas inuna pa niyang lapitan si Axel kaysa sa akin. Minsan nga iniisip ko na may gusto ang tita ko sa bestfriend ko.

Inilagay ko yung mga maruruming damit sa labahan at dumiretso nang humiga sa kama. Ouch! I forgot that I have a bruise.

Panigurado bukas mas kikirot pa ito. That fucking bastard! Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa lalakeng nanipa sa'kin. Kapag nakita ko talaga ulit siya, babasagin ko na yung bungo niya. I will literally crack all his bones! Argh!

***

"Verena Imani!"

Napadilat ako sa sigaw ni tita Precy. What's happening!?

"Anong oras na! Kanina pa kita ginigising!"

I inwardly groan. Ano bang meron at sigaw ng sigaw si tita? Sunday—oh shit! Monday na pala ngayon! May pasok ako!

Napabalikwas ako sa higaan ko at agad nang dumiretso sa banyo. Minadali kong maligo. Iniinda ang kirot ng pasa na nararamdaman ko sa tyan ko. Mabilisan din akong nagbihis ng aking uniporme. Pwede na akong isabak sa Olympics sa sobrang bilis kong gumalaw.

Hinablot ko ang bag ko na nakasabit sa upuan at kinuha yung cellphone ko sa bedside table. Lumabas ako ng kwarto habang nagsusuklay ng buhok. I don't have time to pamper myself. Hindi ko na kailangang pang magpaganda dahil wala akong pakielam sa mukha ko at wala naman ako pinapagandahan sa school.

"Ihahatid ko na kayo," aya ni tita habang nagmamadaling inaayos yung mga gamit sa bag niya. "Pumasok na kayo sa kotse."

I quickly run outside para sa shotgun ako makaupo. Ayaw ko sa backseat ng kotse. Why? Ayaw ko lang.

"Ang daya naman ni ate!" angal ng pinsan ko dahil naunahan ko siya sa shotgun. Tinaasan ko lang siya ng kilay at ngumisi.

Padabog siyang pumasok sa likod. Perks of being the fastest runner. Partida kumikirot pa yung pasa ko sa tyan nyan. Kidding aside.

Pinanood ko si tita na nagmamadaling lumabas ng bahay at sinarado ang pinto. Dumiretso na siya sa driver's seat and she started the engine.

It was a quick drive dahil malapit lang ang school sa'min. But I don't mind if I'm late in my first class. Sanay naman na ang mga teacher sa'kin. I already told you, I don't do rules. It's not my forte.

Nagpaalam ako kay tita Precy. Hindi ko na hinintay yung pinsan ko dahil iba yung building niya sa'kin.

Gusto ko man magmadaling maglakad ay hindi ko kaya dahil kapag pinuwersa ko yung katawan ko kumikirot yung pasa sa tyan ko. Nang makarating ako sa room, binati ko yung adviser namin.

"You're late again, Miss Arquiza," tamad nitong sambit sa'kin.

"I'm sorry, Ma'am."

Bumuntong-hininga lang ito at hinayaan akong makaupo sa upuan ko. Wala naman na silang magagawa sa'kin. I'm one hundred percent sure na ipapatawag na naman ako nito sa guidance office dahil ilang beses na akong nalalate.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon