(15)

10 0 0
                                    

Naghihintay ako dito sa labas ng village. Nagbabaka-sakali na sana sumipot si Seth. Malaking tulong kasi ang magagawa niya para sa akin. Pero ni anino niya wala sa paligid.

Tumingin ako sa 'di kalayuan at nakita ko yung abandonadong warehouse na kailangan kong puntahan. I should better go before it dawns.

Ibinaba ko yung bike ko sa labas ng village. I started walking across the road. Medyo matataas ang mga damo sa parteng ito. And I'm wishing that there are no snakes crawling here.

Dahan-dahan akong naglakad sa madamong daanan. Iwinawasiwas ang mga halaman para makadating sa kinaroroonan. Pagkadating sa abandonadong warehouse, tiningala ko ito at pinagmasdan. I could only hear the crickets, birds chirping, and the leaves blown by the wind. Medyo nakakatakot ang katahimikan sa palagid. Lumapit ako sa may gilid ng warehouse, tinatantya ang bawat galaw para hindi ako mahuli ng kung sino. Sumilip ako ng bahagya sa gilid para tingnan kung may tao. Bakit walang tao?

"Where are they?" I whispered to myself. But before I could move another step, my phone vibrates. Go inside the warehouse.

Napalingon-lingon ako sa paligid. Kinakabahan. Palagay ko may taong nagtatago sa mga matataas na damuhan. Eyeing my every move. Pero hindi ko pinairal ang takot ko dahil iniisip ko ang kalagayan ng pinsan ko. Agad naman akong pumunta sa may harapan para makapasok sa warehouse. Dahan-dahan ko itinulak ang pinto, dinungaw ang aking ulo para tingnan ang loob. Wala rin tao? Pakiramdam ko alam ko na ang pinaplano nila. So, I followed my instinct that I will not go inside.

My phone vibrates, again. I said go inside bago ko saktan itong pinsan mo. I heaved out a deep sigh. They are blackmailing me.

Kumuha muna ako ng isang maliit na bato sa may paanan ko. Iniligay ko ito sa may butas sa gilid ng pintuan para hindi ako makulong sa loob. I'm sensing that they will play dirty. Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng warehouse. Ang daming sapot sa tuktok pati alikabok. Halatang matagal na itong nakatayo rito. May napansin din akong mga makinang malalaki na naka-kalat lang sa paligid. May mga alak na bote at upos ng sigarilyo nakakalat sa bawat sulok. Pagkadating ko sa gitna, agad naman akong naging alerto dahil may narinig akong bumagsak na isang metal.

"Finally!" sigaw ng isang malalim na boses.

Inikot ko ang aking ulo kung saan nanggagaling ang boses. Ngunit kadiliman lang ang bumungad sa akin. Agad ko naman ipinasok ang aking kamay sa bulsa ng aking jacket. Agad kong hinawakan ang nakatiklop na baston para ihanda ang akin sarili. Hindi ako magpapakita na takot ako, gusto ko silang asarin dahil hindi nila ako matatakot kung nasa panganib ang kalagayan ng pinsan ko.

"May gana ka pang maging kampante," sigaw nito. Inaaninag ko ang bulto nito sa kadiliman pero hindi ko ito makita talaga. Mga duwag! "Tingnan na lang natin kung saan aabot ang katapangan mo bata," pang-aasar niya.

"Sino naman tinatakot mo? Ako? Nakakatawa ka naman," asik ko habang nakangisi. "Magpakita ka naman para hindi ako mabagot sa ginagawa mo."

"Sigurado ka bang kaya mo akong harapin?" sabi niya at humalaklak. Naghalakhakan din ang mga kasamahan nito na nagtatago sa dilim. "H'wag ka ngang magpatawa, bata."

"Huh," umiling-iling ako at sumandal sa may malaking makina sa may gilid. "Puro ka naman salita, daig mo pa bata, tanda."

Napangisi naman ako ng maramdaman kong lumabas ito. Salamat naman at nagpakita din itong si tanda. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo nito. Napangiti ako ng bahagya at agad naman nagseryoso ang aking mukha.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon