(4)

9 1 0
                                    

For three days ako naging human CCTV ni Seth. Syempre sa school lang. Ayokong mabansagang stalker ng bayan kung hanggang sa labas ng school binabantayan ko siya.

Ang naging result lang naman ng pagbabantay ko sa kanya ay wala. Wala namang ganap na nangyayari, e. Wala din naman siyang masyadong kinakausap sa school na ito maliban na lang sa mga teachers na tinatawag siya tuwing may klase. Overall, wala pa naman siyang violations sa school.

"Okay class, ako ang mamimili ng mga partners niyo for this quarter," sambit nung teacher namin sa Chemistry.

Honestly, I'm not good with names kaya kung mapapansin niyo mas tinutukoy ko yung mga teachers namin sa kada-subject base sa itsura nila or kung anong trip kong tawag sa kanila.

"Ma'am!" tawag nung isang kong kaklase.

"Yes, Miss Ferrer?"

"Hindi po ba pwedeng by friends na lang po?" suwestyon nito. Okay, this will be interesting. For sure, babarahin lang ito ng teacher namin. "Kasi mas madali po kapag ganoon."

"Hmm... that's a great idea, Miss Ferrer," sambit nito pero bigla na lang nawala yung ngiti nung teacher namin dahil naging seryoso ito. "If you want that idea, gusto mo magpalit tayo ng puwesto. Ako magiging estudyante, ikaw ang magturo dito sa harapan," pagtataray nito.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Alam niyo yung gustong-gusto mong matawa pero hindi pwede sa sitwasyon kung nasaan ka. But heck, look at the priceless face of our classmate.

"Sorry po, Ma'am."

"Ahem. So, where are we? Oh yes! Ako ang pipili na magiging partners niyo. Shall we start?" tanong nito at sabay-sabay kaming sumagot ng opo.

Isa-isa niyang binanggit ang kada-apelyido ng mga kaklase ko. Second to the last naman tinawag yung name ko. Tutal hindi pa din naman tinatawag si Trinity, baka siya magiging ka-partner ko.

"Miss Arquiza, your partner will be..."

Tumayo naman ako at tiningnan si Trinity na katabi ko. Mukhang excited din siya dahil hindi pa din siya tinatawag.

"Sana tayong dalawa ang mag-partner," bulong nito sa akin.

"Ah! The new student, Mister Tuazon," banggit nito. Pakiramdam ko binagsakan ako ng malaking bato sa likuran nung narinig ko yung apelyido niya. I mean, of all people, why him!?

"Now go sit beside your partner, Miss Arquiza," utos nito.

Umalis ako sa upuan ko na naka-simangot. Ang mga mata ng mga babae kong kaklase ay nakatingin sa'kin. Kulang na lang may lumabas na kidlat sa mga mata nila. Nung makarating ako sa bakanteng upuan sa tabi niya, padabog akong umupo rito.

"Malas," I grunted.

"May sinasabi ka ba?" sabi nito kaya napalingon naman ako sa kanya. Nakita ko naman na naka-kunot yung noo nito habang nakatingin sa akin.

"Paano mo naman nasabi na may sinasabi ako? For sure naman na narinig mo," sarkastiko kong sagot.

Nanlaki naman yung mga mata ko nung lumapit ito sa'kin. Sino ba ang hindi manlalaki yung mga mata kung ilang inches na lang magkadikit na yung mukha niyong dalawa.

"Hindi porque babae ka, hindi na kita papatulan," he said venomously and the way he look into my eyes... he was dead serious about what he said.

Inurong ko yung mukha niya papalayo sa'kin gamit yung palad ko. Is he threatening me? "Hindi tayo talo kaya h'wag mo nang isipin na patulan ako," sagot ko naman rito at ngumisi sa kanya.

Anong akala niya na hindi ko siya lalabanan? I don't care if he's a bad boy. I don't fucking care a single bit. Wala siya sa teritoryo niya para takutin niya ako na puro hangin naman niyang salita.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon